Bandera "One on One": Andi Eigenmann | Bandera

Bandera “One on One”: Andi Eigenmann

- September 13, 2010 - 11:56 AM

Interview ni  Julie Bonifacio


ON its 50th anniversary, inihahandog ng Regal Films ang comedy movie na “Mamarazzi” na pinagbibidahan ni Eugene Domingo, kung saan kasama niya si Andi Eigenmann na gumanap bilang kambal niyang anak. Ito ang kauna-unahang pelikula ni Andi.
Kasabay ng pagpapalabas ng first movie niya ang nalalapit na pagtatapos naman ng kanyang matagumpay na teleserye sa ABS-CBN na Agua Bendita.
Ibinahagi ni Andi ang kanyang nararamdaman sa malalaking pangyayari sa kanyang career and personal life sa isang exclusive interview namin sa kanya.

BANDERA: Ano ang nararamdaman mo sa pagtatapos ng Agua Bendita?
ANDI EIGENMANN: Medyo excited ako kasi ‘yung first show ko mage-end na and it ended successfully and I’m really happy about that. Excited also for the upcoming projects to come. Although at the same time sad din kasi you know, Agua is my first soap opera, ang daming memories na na-build diyan. I met a second family in Agua Bendita. I got close with all the people there. Mami-miss ko sila.

B: How true na hindi pa raw dapat tatapusin ang Agua pero tinapos na dahil nagkakaproblema sa iyo ang production?

AE: Hindi po.  Ang pagkakaalam ko po talaga, it got extended. Well, we got extended so many times already kasi ang ganda po talaga ng ratings and sigurio it was just about time na matapos na siya. Although, pinag-uusapan namin  ‘yan sa show, ‘Naku, ano pa kaya ang mangyayari? Tag-ulan na.’ So, talagang tapos na. Parang, put of season na. Hindi na siya in season, e, ‘yung theme ng show.

B: Totoo  rin ba na pinatataba ka ng mommy mo na si Jaclyn Jose  dahil ‘di na bumagay ang katawan mo sa show at dahil sa kapupuyat sa taping?

AE: Hindi, hindi totoo ‘yun. My mom said that jokingly. Na parang, ‘Sige kayo patatabain ko ang anak ko. Pakakainin ko nang pakakainin ang anak ko para tumaba!’ Pero joke lang ‘yun. Parang friendly conversation lang.  Ang daming nagsasabi na nagrereklamo raw ang mommy ko, ganyan. Hindi po. Parang maliliit na inside jokes lang ‘yun ‘pag nagkukuwentuhan kami-kami or si mommy with her friends like sina Sir Deo (Endrinal).
Kahit nga kakain lang ako ng kahit na anong food na may asukal, magagalit na ‘yun, e.

B:Inaalagaan ka pa rin ba ng mommy mo, pati sa pagkain?

AE: Actually, ngayon, kasi halos hindi na rin kami nagkikita ng mommy ko dahil sabi niya, ‘Bago na naman cellphone mo, bago na naman sapatos mo!’ Hahahaha! Hindi na niya napapansin kasi  hindi na kami masyadong nagkikita. Sobrang busy if I’m not, if I’m gonna be at home then she’s the one who’s not. She’s probably doing something else, or taping. Kaya ayun, wala na talagang time para pakialaman ako ng mommy ko. Hindi po totoo talaga lahat ng sinasabi ng tao tungkol sa kanya.

B:Naaapektuhan ka ba kapag nadadawit sa intriga ang mommy mo at lumalabas na parang kontrabida?

AE: Ay, hindi. Hindi po ako naaapektuhan kasi in my heart alam ko na hindi po totoo ‘yun. Ako na nga ang nangungulit sa mommy ko na dalawin niya ako sa taping, pero ayaw niya.

B: Stage mother ba ang mommy mo?

AE: Hindi. Nakakainis nga kasi gusto kong  maging stage mother siya. Hindi kasi parang ‘yung iba, nakikita ko kasi ‘yung mga friends ko kasama nila ang mga mommy nila. Hinihintay sila. Sabi ko, ‘Bakit Nanay ko hindi nagtitiyagang gawin ‘yun?  Kasi ang Mom ko merong ibang ginagawa. Naiintindihan ko naman ‘yun.  Sabi nga ng Mommy ko, ‘Naku, ano ba ‘yan? Wala akong panahon sa mga ganyan.’ Pati ang Mommy ko nadadamay na ang kulit-kulit daw niya.
But my Mom siyempre she loves me so much. She’s protective in the sense that she’s always there looking out for my safety and keeping me away from pain. Pero hindi siya pakialamera na talagang every move I make talagang ano, hindi. Basically, she trusts me and she knows that I’m responsible enough to make decisions on my own and to know, and to be able to tell which is good from the bad. Kaya basically hinahayaan niya rin naman ako sa buhay ko.

B: Anong problema sa mommy mo?

AE: Nagwo-worry lang siya sa health ko. Kasi sabi niya nu’ng panahon niya hindi naman daw ganu’n. E, siyempre ‘di ba,  pero generally ‘yung ins and outs ng showbiz alam na rin niya ‘yan. Kaya kapag may thing na hindi niya na-experience noon or iba from before, feeling niya agad there’s something’s wrong.
But then again, I’m there naman to tell her na, ‘No, Ma, it’s really like that.’ And I’m fine with it anyway. Kinakabahan lang ang Mommy ko kapag feeling niya overworked ako kapag dumarating ako sa bahay nang inuubo, sinisipon. Hindi po kasi ako talaga sakitin pero siguro since bago pa lang ako sa showbiz, na-shocked ‘yung katawan ko lalo na doon sa sleeping hours.

B: Totoo bang pinaiyak ka ni Bing Loyzaga sa set ng Agua?

AE: Ah, ‘yun, yes, pinaiyak niya ako. Nagsabi kasi siya sa akin ng words of wisdom. Parang sinabi niya na I really did a good job and she’s proud of me. Parang she said na I was brought up well. Sabi niya I should tell my mom, I should congratulate my mom  the way she raised me because I turned out to be such a responsible and wonderful baby. So, ayun, na-touch ako, naiyak ako. Si tita Bing kasi lagi ko ‘yang kakulitan sa set and all the others.

B:Ano ang plano sa ‘yo ng ABS after Agua Bendita?

AE: Ah, as of now magre-rest po muna ako sa teleserye.  Ngayon po busy ako sa pagpro-promote ng Mamarazzi. Then, I will be doing two movies. One is for the Metro Manila Film Festival, yung ‘Shake, Rattle & Roll’ tapos  ‘yung isa naman for next year, yung remake ng ‘Temptation Island’, both from Regal. ‘Yun po muna siguro. So, parang medyo magiging busy muna ako sa shooting ng movies. Next teleserye ko hindi ko pa masabi kasi under processing pa. Ginagawan pa ng sitorya. But definitely I’ll go back this year sa teleserye.

B: Pwede ka nang magka-boyfriend kasi hindi ka na busy?

AE: Ang dami ngang nag-aano sa news, may boyfriend daw ako. Aaminin ko po, ngayon wala na. Non-showbiz po yung dati. Inaamin ko, hindi ko naman hina-hide ‘yun. We live, parang we’re one barkada and he goes to school in La Salle, basta ‘yun. Baka mainis pa ‘yun kapag nagsalita ako.

B: Ilang taon kayong naging mag-on?

AE: Ah, years. Hindi ko naman ‘yun tinago ever. Pero bago ako mag-start ng Agua, naghiwalay kami niyan, e.

B: Bakit kayo nag-break?

AE: E, ayoko. Gusto ko mag-concentrate on my career. Pero eventually when I was able to adjust we got back with each other. But now, break na kami.

B:Handa ka na bang ma-in love ulit?

AE: Hindi pa po. Sa ngayon, wala pa po talaga sa plano.

B: Hindi ka ba nagselos na parang ang leading man mo sa Agua Bendita na si Mateo Guidicelli ay nanliligaw kay Sarah Geronimo?

AE: Hindi po. Sabi ko naman kung saan gusto ni Mateo masaya lang ako para sa kanya. Mateo is like one of my best friends. Siya ‘yung type of person na I can run to for anything.

B: Hindi ka na-in love sa kanya, hindi mo siya type?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

AE: Hindi naman po sa hindi ako in- love pero hindi ko lang siya type. Ay! Hindi naman po sa ‘di ko siya type, hindi lang po ako na-in love.

Bandera, Philippine Entertainment news, 091310

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending