Rendon Labador umalma sa pagtaas ng presyo ng itlog

Rendon Labador umalma sa pagtaas ng presyo ng itlog

Rendon Labador

TRENDING ngayon ang social media personality na si Rendon Labador dahil sa kanyang naging pag-alma sa pagtaas ng presyo ng itlog.

Sa kanyang panayam sa News 5 ay natanong siya kung ano ba ang kanyang masasabi sa naging pagtaas ng presyo ng itlog na isa sa mga pangunahing binibili ng mga Pilipino.

“Nagagalit ako kasi ang taas na ng presyo ng itlog, hindi na kami papayag, apektado ‘yong fitness industry, lalong-lalo na ‘yong mahihirap nating kababayan,” pagbabahagi ni Rendon.

Dagdag pa niya, “Nananahimik ako sa gym eh. Pero ‘pag ganito, hindi ako makakapayag na ganito ‘yong mangyayari sa atin. Gawan n’yo ng paraan ‘yan, gawin ninyo ang lahat para mapababa ang presyo ng itlog.”

Baka Bet Mo: Rendon Labador sa mga kabataang palamunin at puro asa lang sa magulang: ‘Mag-isip-isip kayo dahil t*e lang kayo kapag walang narating sa buhay’


Chika pa ni Rendon, isa ang itlog sa mga pagkaing hindi nawawala sa mga binibili ng mga Pilipino at mapa-mahirap at mayaman at bumibili nito.

“Lahat ng kumakain ng itlog, magsama-sama tayo, magwelga tayo, hindi pupuwede ‘yan, kasi ‘yong mahihirap nating kababayan, ulam na nila ‘yan e,” paliwanag pa ng social media personality.

Bukod sa tumataas na presyo ng itlog, nababahala rin si Rendon sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin na maaaring umabig pa hanggang 2024.

“Eh ang ipinagtataka ko, wala namang shortage, wala namang bird flu, bakit pataas nang pataas?” sabi ng motivational speaker.

Sa huli raw ay ang mga mahihirap o anv mgz nasa laylayan ang labis na apektado sa nangyayari sa mga presyo ng bilihin.

Wala pa namang pahayag ang mga ahensya ng gobyerno sa nangyayaring price hike lalo na at papalapit na ang Pasko at Bagong Taon.

Read more...