Angel Locsin ka-look alike na si Angel Mystica pumanaw na

Angel Locsin ka-look alike na si Angel Mystica pumanaw na

Angel Mystica

NAGLULUKSA ang pamilya, kaibigan, at mga tagahanga ng kamukha ni Angel Locsin na si Angel Mystica o Mystica Barata sa tunay na buhay sa kanyang pagkawala.

Nitong Martes, November 21, ibinahagi ng RAP Production, ang namamahala sa kanyang career, ang anunsyo ng pagkamatay ng dalaga sa publiko.

Ang dahilan ng pagkamatay ni Angel Mystica ay aneurysm.

Batay rin sa naging post ng kanyang kapatid na si Elena Solla Malyn noong September 15, isinugod sa ospital ang dalaga matapos magkaroon ng aneurysm.

“My beloved sister, Mystica, is currently unconscious and admitted to the ICU. The medical expenses are huge, and we’re in dire need of support,” pagbabahagi ng kapatid ni Angel Mystica.

Isang art card rin naman ang ibinahagi ng kaniyang talent management upang pormal na ianunsyo ang pagkawala ng dalaga.

“Ang sabi ko sayo Contract lang ang Mag eexpired diba? WE ARE SAD TO TELL YOU EVERYONE THAT OUR DEAREST ANGEL MYSTICA IS FINDING HER PEACE AND WAY BACK HOME TO THE HAND OF THE LORD.”

Baka Bet Mo: Angel muling pinatunayan na love na love talaga si Kris, personal na tsinek ang kundisyon ng BFF

“May you Rest in Peace our Dearest and Loving Angel.Our Backbone is now broken [emojis]

“Our Family will always [remember] you!

“MAHAL NA MAHAL KA NAMIN ANGEL MYSTICA! Fly high! [emojis] REST IN PARADISE.”

Marami rin naman ang nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa mga naiwang kaanak ng dalaga.

Unang nakilala ng madlang pipol ang dalaga nang sumali ito sa “Kalokalike Face 3” segment ng Kapamilya noontime show na “It’s Showtime”.

Umani naman ng maraming fans and supporters si Angel Mystica dahil hawig na hawig nito ang aktres na si Angel Locsin maging ang galaw at boses ay kuhang-kuha nito.

Read more...