Elijah Canlas kinumpirmang hiwalay na kay Miles Ocampo

Elijah Ocampo kinumpirmang hiwalay na kay Miles Ocampo

Elijah Ocampo at Miles Ocampo

INAMIN ng “Senior High” star na si Elijah Canlas na matagal na silang hiwalay ng aktres na si Miles Ocampo.

Sa kanyang eksklusibong panayam sa ABS-CBN News sa binata nitong Huwebes, November 23 ay nausisa siya ukol sa relasyon nila ni Miles.

“We wanna know the real score. Is it like…are you still together or not anymore? usisa ni Ganiel Krishnan kay Elijah.

“Sadly, no,” sagot ng aktor.

Baka Bet Mo: Elijah Canlas binalikan ang alaala ng namayapang kapatid na si JM: ‘Walang makahihigit sa ‘yo, enjoy ka lang diyan! No goodbyes…I’ll see you later’

Pagpapatuloy ni Elijah, “We broke up couple months ago. But I’m always gonna have love for her. I’m always gonna support her in whatever she does. I’m always her number one fan, basically.”

Sa ngayon raw ay mas naka-focus sila sa kani-kanilang buhay.

“But right now we’re taking our time figuring out ourselves and our lives right now,” sey pa ni Elijah.

Matatandaang noong nakaraang buwan lang nang umugong ang balitang hiwalay na ang dalawa.

Last year lang nang ibandera nina Elijah ang kanilang relasyon sa publiko.

Bago pa man sila naging opisyal na magdyowa ay nagkasama sila sa drama series na “Paano ang Pangako?” noong 2020.

Wala pa namang pahayag o reaksyon si Miles ukol sa pag-amin ni Elijah.

Read more...