Huwag pahuhuli sa huling paalam ng Rakrakan Festival

Magpapaalam na ang Rakrakan Festival sa huli nitong pagganap sa darating na November 25 at 26, kung saan magkakaroon ng iba’t ibang aktibidad at makakasama rin ang mga bandang kinagigiliwan ng lahat.

Sa unang araw ng Rakrakan Festival, tutugtog si RICO BLANCO pati na rin ang mga bandang December Avenue, Sugarcane, Munimuni, Orange and Lemons, Kiyo, Kjwan, Nobita, Razorback, Saydie, Skychurch, Galaw Tao, Autotelic, Barbie Almalbis, CHNDTR, Better Days, Mizael, at Kiss N Tell.

Sa pangalawang araw, tutugtog si ELY BUENDIA at ang mga bandang Juan Karlos, Zild, Blaster, Unique, Dilaw, Mayonnaise, Valley of Chrome, Greyhoundz, Typecast, Chicosci, Bandang Lapis, Chocolate Factory, The Chongkeys, Brownman Revival, at Pedicab.

Maliban sa mga banda, magkakaroon rin ng mga aktibidad sa Rakrakan Festival katulad ng Car Show (B2B), Skate Clinic (Malachi), Street Art Competition (kasama ang Do It), Perya Games, Food and Merch Bazaar, at marami pang iba.

Magkakaroon ng three stages ang Rakrakan Festival sa SMDC Festival Grounds sa Parañaque City—Peace, Center at Mosh—pati na rin ang mga mini-stages tulad ng Busking, Manila Wrestling Federation & Sunugan Battles, Musiklaban Audition Stages, at Cosplay Stage.

Huwag pahuhuli sa huling paalam ng Rakrakan Festival! Makakabili ka ng tickets para sa event na ito sa: 

SMtickets website: https://smtickets.com/events/view/12532
Available at all SM Ticket outlets nationwide
Beetzee (Gcash & Maya): http://rakrakan.beetzee.com
Lazada: http://lazada.com.ph/rakistaclothing
Shopee: http://shopee.ph/rakistaclothing

May karagdagang singil para sa SM Tickets.

Options sa pagbili ng ticket:

GEN-AD: Access to all stages and common areas.
VIP : Access to all stages and common areas, VIP Areas (Closer to stages), Meet & Greet, Dedicated Portalet.
S-VIP : RF 2023 Official Event Shirt, Access to all stages and common areas, S-VIP Areas (The best view of the stages), Meet & Greet, Dedicated Portalet, and DSLR Access.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website na www.rakrakanfestival.com.

ADVT.

Read more...