Tech CEO Alvin Chu Teng magbibigay ng brand new cellphones sa DZME interview

Tech CEO Alvin Chu Teng magbibigay ng brand new cellphones sa DZME interview

Alvin Chu Teng

SA darating na Sabado ganap na ala-6 ng umaga, makinig sa programang “Good Vibes” sa DZME.

Isang masuwerteng listener na estudyante ang magkakaroon ng bagong Oppo cellphone mula sa kilalang 36-anyos na Tech CEO na si Alvin Chu Teng.

Makakapanayam sa naturang programa si Teng, na kilalang may-ari ng ilang sikat na cellphone retail brands gaya ng Cyber Center, Games and Gadgets, Boma Tech, Celltime & Co., at marami pang iba.


Ang kanyang retail brands ay may 200 branches sa ibat-ibang panig ng bansa at may higit 1,000 employees.

Gusto ni Teng na makatulong sa mga kababayang Filipino na umangat sa buhay sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya.

Ang mga magnanais na magkaroon ng bagong cellphone ay kinakailangan lamang na i-like ang Facebook page, Instagram, Threads at Twitter accounts ni Teng.

Bukod dito, dapat ay magpadala din ng 2-3 minute video sa “ArDa” Facebook page at magkuwento kung bakit nararapat na manalo ng bagong cellphone.

Read more...