Hinahanda na ang soap ni Marian Rivera. Una, pralala muna as several Kapuso stars ang namiyesta at mamimiyesta sa Vigan at sa Camiguin.
Magiging mas kapana-panabik ang pagdiriwang ng Raniag Twilight sa Vigan at ng Lanzones sa Camiguin dahil nakatakdang makisaya ang ilan sa mga hinahangaang Kapuso stars sa taunang festivals na ito ng mga Bigueño at Camiguinon.
Bibisita ang cast ng Pyra Babaeng Apoy sa tinaguriang Heritage City of Vigan na kamakailan lamang ay napabilang sa listahan ng mga kandidato para sa New Seven Wonder Cities.
Tampok dito sina Thea Tolentino, Jeric Gonzales, Elle Ramirez at Zandra Summers kasama ang kanilang co-star na si Angelu de Leon. Makikisaya rin sina Mike Tan, Jackie Rice, Kevin Santos, Pekto at Boobay.
Yesterday, Marian was at Gabay Guro nga and today it’s in Vigan. Trying to be everywhere si Marian ngayon dahil malapit nang simulan ang kaniyang next GMA project.
First, it’s not the sitcom that was announced first, mas mauuna talaga ang primetime soap. Ikalawa, half surprising at half expected ang makaka-partner ni Marian sa soap na hindi pa puwedeng isulat.
Basta it’s not Rafael Rosell, Tom Rodriguez, Dennis Trillo or Mark Anthony Fernandez na mga unang nabanggit while conceptualizing the soap.
( Photo credit to Google )