NATATALO na raw ng It’s Showtime ang Eat Bulaga nina Tito, Vic & Joey when it comes to ratings. According to a website, noong Oct. 24, sa Kantar Media ay pumalo 18.5% ang nakuhang rating ng noontime show ng Dos compared sa 12. 8% ng Eat Bulaga.
Some Kapamilya fans took to Facebook to rationalize kung bakit mataas ang rating ngayon ng noontime show ng Dos.
“Mas ok ang aliw factor, mkbago, ung eb kc mejo luma na mga jokes and ulit ulit ung mga pakulo…may sawa factor na!”
“Paano naman d lalakas ang ratings galing ng mga isip sa likod ng mga pakulo ng its Showtime. Oo ang eatBulaga is a legend andun na un given na pero lets admit ang mga viewers ngayon naghahanap bago.. fresh.. kakaiba… just saying.. sana lang walang magagalit sa sinabi ko^_^”
“Maganda tlga Showtime di katulad ng iba, pumupunta sa mga lugar para makilala sila. di katulad ng showtime, kahit hindi sila pumunta sa ibang lugar mas mataas parin ang ratings nila… Si Walley eh Hahaha.”
“Hindi kaya it’s because of the Wally Bayola Scandal? Maybe now lang nila nararamdaman ang effect ng sex video ng kanilang host, na-turn off sila ka Wlly kaya transfer sa Showtime ang drama nila.”
“Congrats #itsShowtime.. Nahohok ang buong bayan.. Lalo na sa mga bagong segments.. Wala sawa factor.” Actually, the high rating of It’s Showtime has given its cast and crew some reason to rejoice.
But come to think of it, ngayon lang sila nakatikim ng mataas na rating kaya naman nagsasaya sila. Matagal na silang uhaw na uhaw sa mataas na rating na ngayon lang nila nakamtam.
Ang feeling namin, kaya lang naman nag-rate ang show nila ay dahil sa Magpasikat ka segment where the hosts come up with fabulous production numbers.
Ang tanong, will they be able to beat Eat Bulaga nang pangmatagalan? We don’t think so. All they were offering is an alternative show.
For more than three decades ay walang nagtagal na kalaban ang Eat Bulaga kaya naman ‘wag pakasiguro ang Dos na matatalo na nila nang tuluyan ang noontime show ng bayan!
No offense meant, ha, pero hindi kami naniniwala sa ratings. Kasi naman, only a few households, about thousands lang at hindi hundreds of thousands, ang kinakabitan ng TV meter para malaman kung ano ang madalas na pinapanood sa isang bahay.
Kung milyon pa ang kinakabitan ng TV meter ay baka maniwala pa kami sa results ng TV ratings. Kaso hindi so never kaming naniwala sa ratings-ratings na ‘yan.
( Photo credit to Google )