SAN BEDA nakuha ang TOP SEEDING

Laro sa Martes
(The Arena)
4 p.m. Perpetual Help vs San Sebastian
(playoff)

DINUROG ng San Beda College Red Lions ang Arellano University Chiefs, 78-62, para kunin ang number one spot sa pagtatapos kagabi ng 89th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

May 10 puntos si Kyle Pascual para sa balanseng pag-atake ng Red Lions na umarangkada sa 11-0 panimula para katampukan ang one-sided na laban.

Ito ang ika-15 panalo sa 18 laro ng Red Lions para itulak ang Letran Knights sa pangalawang puwesto sa standings.
Pareho naman na may bitbit na twice-to-beat advantage ang Red Lions at Knights para tumibay ang hangaring makita uli ang dalawang koponan na magtuos sa titulo sa ikalawang sunod na taon.

Tinalo naman ng Emilio Aguinaldo College Generals ang Mapua Cardinals, 82-76, para maibsan ang sakit dulot ng di pagkakaabot sa playoff para sa huling upuan sa semifinals.

Ito ang ika-10 panalo sa 18 laro ng Generals pero kapos sila ng isang panalo para mapantayan ang San Sebastian Stags at Perpetual Help Altas na may 11-7 baraha.

Samantala, nakumpleto ang San Beda Red Cubs ang 18-0 sweep sa juniors division sa 96-56 panalo sa Arellano Braves.
Ang resulta ay nagtulak sa Red Cubs na makapasok sa Finals.

( Photo credit to INS )

Read more...