BONG sa DOJ: Sa katakawan niya sa publicity at ambisyon sa politika binalewala niya ang batas!


Kumbaga sa bulkan ay sumabog na ang emosyon ng aktor-politikong idinadamay pa lang sa isang anomalya ay hinuhusgahan na agad. Hindi pa man gumugulong ang proseso ng imbestigasyon ay idinidiin na si Senador Bong Revilla, pati ang kanyang kaibigang si Senator Jinggoy Estrada, kaya hindi natin masisisi kung naglabas man siya ng sentimyento tungkol sa mga nangyayari sa kanya.

Sa unang pagkakataon, mula sa matagal niyang pananahimik, ay nagbigay na ng kanyang opisyal na pahayag si Senador Bong Revilla na ganito ang kabuuang isinasaad. Walang labis, walng kulang, tutukan po natin.

“It looks like this administration is hell bent on decapitating the opposition at all costs – even if it tramples upon our basic rights enshrined in no less than the constitution.

We have a Secretary of Justice who is just more than willing to disrespect the law to pursue her own agenda. “What is ironic is that she used to be the Chair of the Commission on Human Rights but it seems that to her, basic Human Rights is something that can be utterly disregarded.

“This latest move – to unilaterally label incumbent Senators who just so happens to belong to opposition, as threats to national security – is more than absurd and is a cause for alarm.

Kung ganitong kadali nila ito gawin, paano pa kung ang involved ay mga ordinaryong mamamayan? “Sinabi niya noon na dahil wala na sa kanya ang kaso at naipasa na ito sa Ombudsman, hindi na siya maaaring magkomento.

She recognized the fact that it was no longer under her jurisdiction. She said she would no longer make comments, pero, heto ngayon at kung anu-ano pa ang sinasabi.

“Her statements belie her claim of neutrality and objectivity, and expose her true disposition and bias. Dahil sa kanyang katakawan sa publicity, sa kanyang ambisyong pulitikal, at sa kanyang hangarin magpasikat, binabalewala niya ang batas.

“Ngayon pa lang, kahit wala pang demanda na nakasampa laban sa amin, daig pa namin ang convicted na. Paano kaming magtitiwala ng mayroon pang due process kung hindi pa nga nagsisimula ang proseso ay gusto na kaming parusahan?

“I have chosen to remain quiet and speak in the proper venue. Naniniwala kasi ako na sa tamang lugar, at sa patas na proseso ay makikitang lahat ng mga akusasyon ay ‘yun lamang – mga akusasyon.

Nagtiwala kasi ako na sa parehas na pagtingin sa ebidensiya ay malilinis ang aking pangalan – na lalabas ang katotohanang wala akong ninakaw sa kaban ng bayan.

“Pero, sa ganitong mga ipinapakita ng administrasyong ito, hindi kaya ako nagkamaling magtiwala na may batas pang umiiral?”

( Photo credit to Google )

Read more...