MASWERTE pa rin si Raymart Santiago dahil sa kabila ng mga iskandalong kinasangkutan niya dahil sa nawasak na relasyon nila ni Claudine Barretto, ay patuloy pa rin ang suporta sa kanya ng GMA 7.
In fairness, sunud-sunod ang proyekto ng aktor sa Kapuso network, pagkatapos nga ng teleserye nilang Home Sweet Home, binigyan na naman siya gn bagong programa, ang remake ng telenovelang Villa Quintana na magsisimula na sa Nov. 4 sa GMA Afternoon Prime.
Makakatambal niya rito ang magaling na aktres na si Sunshine Dizon. “Mahal kasi nila ako. He-hehehe! Honestly, siguro kasi, hindi ko naman sila binibigyan ng problema kaya mabait sila sa akin, nagpapasalamat din ako sa kanila dahil despite sa mga pinagdadaanan ko, e, patuloy pa rin nila akong binibigayan ng pag-asa, kaya happy ako,” ayon kay Raymart nang kornerin namin bago magsimula ang presscon ng Villa Quintana last Friday.
Kinumusta rin namin ang personal life niya, mukhang maaliwalas na ang bukas ng kanyang mukha at nagkakaisa ang media sa pagsasabing mas gumuwapo siya ngayong hiwalay na sila ni Claudine.
“Ganu’n? Gumuwapo ba? Naku, salamat! Masasabi ko lang na I’m better, sa ngayon moving on lang, taking one day at a time, so far so good,” tugon ng aktor.
“Siguro kasi, hindi ko rin dinadala ang problema sa trabaho, ever since naman ganu’n ako, kaya siguro hindi rin sila (mga bossing ng GMA) nagsasawa sa akin, sa mga pinagdaraanan ko, sa matagal na panahon na may problema ako, hindi nila napapansin ‘yun, nagugulat na lang sila kapag nabalita na.
Ayoko kasi ‘yung pinagkakalat kung may problema ako. Hindi naman kailangang ikuwento, lalo na kapag hindi maganda, di ba?” paliwanag pa ni Raymart.
Bukod sa pagtatrabaho, paano mo tinatapos ang isang araw sa buhay mo? “Well, sa ngayon mas marami na akong oras para sa sarili ko, kapag wala sa trabaho, ‘yung mga gusto kong gawin, nagagawa ko naman.
Punta sa gym…hindi naman ako gaanong lumalabas. “Kasi puyat din sa trabaho, pagdating sa bahay pahinga na lang, grocery minsan. Tapos bumibisita sa restaurant (pag-aari niya) kaunting bantay doon, tapos uuwi na kapag late na.
Hindi rin kasi ako magimik na tao,” chika pa ng Kapuso actor. Tungkol naman sa mga kaso nila ni Claudine, ayaw nang magsalita pa ni Raymart dahil, “May gag order kasi, di ba?
So tungkol sa kaso, hindi na pwedeng pag-usapan, kailangang irespeto natin ang desisyon ng korte.” Ano’ng feeling na maraming kumampi sa ‘yo, parang mas maraming naniniwala sa ‘yo kesa sa dati mong asawa?
“Nagpapasalamat ako sa kanila, kasi sila ang nagbibigay ng lakas sa akin na ituloy ang laban. Sila ‘yung nandiyan para damayan ako.”
Ano naman ‘yung realization pagkatapos mangyari ang lahat ng ito? “Sa dulo nito, pareho kaming talo dito, dahil may mga anak kami, di ba? Pero ganu’n din, e. Inisip ko na lang kung kami pa rin, baka hindi rin healthy sa mga bata.”
Umaasa ka pa rin ba na makakasama mo ang mga anak n’yo ni Claudine? Oo naman. Habang may buhay, may pag-asa.”
( Photo credit to Google )