KAUNTI na lang, malalaman na kung sino ang hihiranging bagong Miss Universe!
Ang tatlong maglalaban para sa inaasam-asam na korona at titulo ay ang mga bansang Thailand, Australia, at Nicaragua.
Nakatakda silang sumalang sa final round ng question and answer portion na isa sa mga tinitingnan kung deserve nga talaga nila ang maging Miss Universe.
Sino sa tingin niyo ang deserve na makakuha nito?
Magugunitang natapos ang Miss Universe journey ng pambato ng Pilipinas na si Michelle Dee matapos itong bigong makapasok sa Top 5 ng kompetisyon.
Baka Bet Mo: Michelle Dee wagi sa ‘Voice for Change’ ng Miss Universe 2023 pero hindi na umabot sa Top 5
Bago pa siya tanghalin bilang Miss Universe Philippines 2023 si Michelle ay nauna siyang koronahan bilang Miss Universe Philippines-Tourism noong nakaraang taon kung saan ang nag-reyna that time ay si Celeste Cortesi.
Matatandaan din na si Michelle ang nagwagi ng Miss World Philippines noong 2019.
Kasalukuyang ginaganap ang grand coronation ng Miss Universe 2023 sa El Salvador.
Kamakailan lang, nagbitiw na sa pwesto bilang presidente ng Miss Universe Organization si Paula Shugart.
Inanunsyo niya ‘yan mismo sa gitna ng kanyang talumpati bago matapos ang national costume show ng Miss Universe pageant noong November 17.
“I have decided that this Saturday will be my last show,” sey niya sa kanyang speech.
Paglilinaw niya, “This decision has been made months in the making and is not in a response to recent events. I stayed because of my belief in El Salvador and my love for the Miss Universe brand.”
Taong 1997 nang mag-umpisang namuno sa organisasyon si Paula.
Ilan lamang sa mga Miss Universe titleholders sa kasagsagan ng kanyang tenure ay sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray, Zozibini Tunzi at Demi-Leigh Tebow ng South Africa, Harnaaz Sandhu ng India, at reigning queen na si R’Bonney Gabriel na mula sa United States.
As of this writing, wala pang detalye kung sino ang papalit kay Paula.
Related Chika:
Michelle Dee pasok sa top 10 ng Miss Universe 2023
Top 5 ng Miss Universe 2023 ibinandera na, Michelle Dee bigong nakapasok