BUGBOG-SARADO ang songwriter at social media personality na si Lolito Go matapos maglabas ng saloobin tungkol sa isyu ng “inclusivity” sa Miss Universe.
Kinuyog ng mga netizens si Lolito nang mag-viral ang Facebook post niya last Friday, November 17, tungkol sa pagsali ng mga transwoman sa naturang international pageant.
Ang punto ng composer, hanggang saan daw ba ipagpipilitan ng mga pageant organizer ang konsepto ng inclusivity o ang pagtanggap sa nga transgender woman sa kanilang mga beauty contest.
Sey ni Lolito, “May transgender na, may mga nanay na, may plus-sized na rin sa Miss Universe.
“I’m all for inclusivity pero hanggang saan ipipilit ng pageant organizers yung inclusivity na ito just to drive home a romantic point?” aniya pa.
Ipinagdiinan din niyang, “It becomes predictable na and funny to some extent eh. What’s next? Ano pa ba ang hindi represented–PWDs, buntis, senior citizenz, conjoined twins?
“Sige lang, try nyo lang kami gulatin every year. Trip nyo yan eh,” sabi pa ng songwriter.
Kasunod nito, binatikos nga ng mga netizen si Lolito.
“Somewhere out there there’s a tree with the sole purpose of producing the oxygen you breathe. Go find that tree and apologize.”
“Mema ka don’t say you’re for INCLUSIVITY when you’re excluding others.”
“Our society is progressing. This also means that we are continuously asking the meaning of beauty, what it means to become a beauty queen, womanhood, etc. The body of knowledge in rationalizing pageants is expanding and even growing its roots to “cater” this generation’s new thinking and beliefs. Kung gusto mong i-push yung old thinking mo, Lolito. Sige lang. Trip mo ‘yan eh.”
Baka Bet Mo: Moira dumepensa sa mga akusasyon ni Lolito Go: I did not cheat on Jason…I have never employed a ghostwriter
“Contact number ni kuya para matawagan ko at mamura ko.”
“Next year magsasali ng lalaking may asawa at anak na maraming ebas sa mundo ng transpageant. Aabangan ka namin.”
“First of all, YOU ARE A MAN. Please keep yourself out of women’s businesses.”
“MAY POINT KA PERO POINTLESS.”
“Sana include na rin ang clowns. Looks like you want to join.”
“Nagulat ka? What if tumanggap sila ng candidates na PWDs? What’s wrong? Kailang lang ba iyan nangyari? So para hindi ka magulat, stick sila sa format for the past 65 years? Mga bagay nga nagbabago, tao pa kaya….mindset pa kaya…”
“Next year magsasali ng lalaking may asawa at anak na maraming ebas sa mundo ng transpageant. Aabangan ka namin.”
Samantala, inaabangan na ng buong mundo ang grand coronation ng Miss Universe 2023 na magaganap ngayong umaga kung saan lalaban nga ang bet ng Pilipinas na si Michelle Dee.