Baguhang young actress na si Jhassy Busran namanhid ang mukha nang sampalin ni Gladys Reyes: ‘Grabe! Sobrang saya ko po!’

Baguhang young actress na si Jhassy Busran namanhid ang mukha nang sampalin ni Gladys Reyes: 'Grabe! Sobrang saya ko po!'

Jhassy Busran at Gladys Reyes

PROMISING ang baguhang young actress na si Jhassy Busran na bibida sa launching movie niyang “Unspoken Letters” mula sa Outmost Creative Motion Pictures.

Gaganap si Jhassy sa pelikula bilang si Felipa na isang special child, kaya naman talagang napalaban siya sa aktingan nang bonggang-bongga.

Makakasama ng dalaga sa “Unspoken Letters” ang ilan sa mga award-winning at seasoned actors ng Philippine showbiz kabilang na sina Gladys Reyes, Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Matet de Leon at Simon Ibarra.

Mula sa panulat at direksyon ni Gat Alaman, na siya ring executive producer ng pelikula, ang “Unspoken Letters” ay isang family drama na sesentro sa kuwento ni Felipa (Jhassy), isang 17 anyos na dalagita na may isip ng 7 taong gulang na bata.

Pagbabahagi ni Jhassy sa naganapna presscon ng movie, “Nag-audition po ako. Siyempre, masaya ako na maging si Felipa pero at the same time, kinabahan kasi nga po, may mental retardation siya.

“So, on my part, I did a lot of research. Nanood ng mga video on how they speak and interact. Kasi po si Felipa ang mental age niya ay 7-years-old, at yung ugali na common sa ganung age, yung playful, friendly, yung essence ng isang bata, yun talaga ang ibinigay ko sa character ko. I want it to be a sensitive portrayal, yung may puso at sincere,” kuwento ni Jhassy.

Baka Bet Mo: Bea gumawa ng love letter para sa fans: Change is always scary, but it can also be beautiful…

Patuloy pa niya, “Noong nabasa ko ‘yung script, doon ko po na-realize na kaya ‘Unspoken Letter’ kasi may mga bagay tayong kinikimkim sa sarili, na hindi natin sinasabi sa pamilya natin.


“So ‘yun ‘yung pagkakaintindi ko. Okay, ‘Unspoken Letter,’ hindi nila nasasabi ‘yung tunay nilang nararamdaman. So parang napapangunahan sila ng galit nila, na hindi nila nalalaman kung ano ba ‘yung tunay na nangyayari.

“And ayun, parang ang laki na ng pain na hawak mo hanggang sa pagtanda mo, na hindi mo alam na parang nakatago lang sa puso mo, ‘yung bigat niya, nandoon lang, na kinikimkim mo.

“So, kapag naiinis ka or what, sabihin mo, para wala kang hahawakang sakit hanggang sa pagtanda mo,” lahad ni Jhassy tungkol sa kanilang pelikula.

Aminado naman ang talented young actress na noon, kapag may galit o inis siya sa isang tao, kinikimkim niya lang, hindi niya sinasabi.

Baka Bet Mo: Sharon feeling sentimental sa throwback letter ni KC: ‘Mama loves you very much, always and forever…whatever happens’

“Pero ngayon po sinasabi ko na. Ma-offend man sila, at least nasabi ko ‘yung tunay kong nararamdaman, kung galit ba ako.”

Isa sa mga hinding-hindi makakalimutan ni Jhassy sa pelikula ang pagsampal sa kanya ni Gladys, “‘Yung eksena po namin na sinampal ako ni Miss Gladys, ang isa sa pinaka-memorable scene ko sa ‘Unspoken Letter.’

“Kahit namanhid po ‘yung pisngi ko dahil sa sampal niya, sobrang saya po at nangibabaw ‘yung proud ako sa sarili ko, na nasampal ako ni Miss Gladys,” aniya pa.

Sa mga susunod niyang projects, wish ni Jhassy na makatrabaho sina Jaclyn Jose, Sylvia Sanchez, Lorna Tolentino at Maricel Soriano.

“Kasi bukod sa ang tagal na po nila sa industriya, versatile actors pa sila. Alam kong kapag nakatrabaho ko sila o nakasama, marami akong aral na mapupulot sa kanila, lalo na sa larangan ng showbiz at hindi lang sa larangang ito, kundi pati na rin sa buhay mismo,” paliwanag ng dalaga.

Sino naman ang gusto niyang maka-loveteam? “Kung mabibigyan po ako ng chance, ang gusto ko po, si Elijah Canlas. Kasi ang galing-galing po niyang umarte. Actually, he is one of my celebrity crushes din po.”

Anyway, mapapanood na sa mga sinehan nationwide simula sa December 13 ang “Unspoken Letters”. In fairness, mukhang promising din ang pelikula base sa napanood naming trailer kaya suportahan natin ang lahat ng pelikulang Pilipino.

Read more...