DOTr maghihigpit na sa mga terminal, bus dahil sa ‘shooting incident’ sa Nueva Ecija

DOTr maghihigpit ng seguridad sa mga terminal, bus dahil sa ‘shooting incident’ sa Nueva Ecija

INQUIRER file photo/Willie Lomibao

MATAPOS ang shooting incident sa Nueva Ecija, Pag-iibayuhin ng Department of Transportation (DOTr) ang seguridad sa mga bus terminal.

Ito ay inirekomenda kay Transportation Secretary Jaime Bautista upang matiyak na ligtas ang mga pasahero, lalo na’t paparating na ang Christmas holiday transport rush.

“The Department is alarmed of this incident. Public utility buses (PUB) must be a safe haven for passengers who just want to travel from one city, province or region to another,” sey sa isang pahayag ni Secretary Bautista.

Baka Bet Mo: DOTr maghihigpit ng seguridad sa MRT-3 matapos tumalon ang isang pasahero

Ani pa niya, “From what we have gathered, the gunmen boarded the bus along the way in Bayombong, Nueva Vizcaya without going through security.”

“We would like to assure the public that their travel going to the province will be safe so you can enjoy Christmas with your families,” sambit niya.

Isa sa mga security measures na isinasagawa na ng Office for Transportation Security (OTS) ay ang pagkabit ng CCTV cameras sa loob ng terminal, pati na rin sa loob ng mga bus.

At para maiwasang maulit ang nabanggit na insidente, pinag-iisipan ng DOTr ang pangangailangan ng GPS at alarm o emergency connectivity ng mga bus at terminal, pati na rin ng mga bus companies para sa quick response.

Paliwanag ni Secretary Bautista, maaaring maging requirement ang naturang measurements kapag nag-renew ng prangkisa ang mga bus companies.

Noong November 15, patay ang dalawang pasahero ng Victory Liner bus matapos pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki habang bumabyahe sa bayan ng Carranglan sa Nueva Ecija. 

Ayon sa police report, anim na beses pinagbabaril sa ulo at leeg ang babae at lalaki na nakaupo sa harapan ng bus.

Sumakay ang dalawang biktima sa terminal ng Cauayan City sa Isabela, habang ang dalawang suspek ay sumakay sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Napag-alaman na mag-live-in partners ang mga biktima at ayon sa pulisya, isa sa mga posibleng anggulo na tinitingnan nila ay ‘yung hindi pagkakaunawaan ng mga pamilya ng biktima.

Read more:

Read more...