Rhian, Sam magkasama na sa GMA 7, chinika ang love story nila: ‘Pareho ang gusto namin…’

Rhian, Sam magkasama na sa GMA 7, chinika ang love story nila: 'Pareho ang gusto namin at isa 'yun sa nag-connect sa amin'

PHOTO: Instagram/@samverzosa

IISANG bahay na nga kaya ang inuuwian nina Rhian Ramos at Tutok to Win Party List Representative na si Sam “SV” Verzosa?

Kaya namin ito naitanong ay dahil tila sinadyang madulas si Sam o SV na masaya siya ngayon dahil magkasama na sila sa iisang bubong ng kasintahang si Rhian sabay sabi ng “joke.”

Ang ibig daw niyang sabihin ay magkasama na sila sa iisang bubong dahil pareho na silang nasa GMA 7.

Ang tinutukoy ng boyfriend ni Rhian ay sa GMA 7 na mapapanood ang “Dear SV” simula sa Nobyembre 18, Sabado sa ganaop na 11:30 PM at blocktimer daw sila kaya labis na nagpapasalamat si Sam sa pamunuan ng Kapuso network headed by President Atty. Felipe Gozon at anak nitong si Atty. Annette Gozon-Valdes bilang Senior Vice President.

Mapapanood na ang mga bagong episodes ng “Dear SV ” kung saan naka-highlight ang nakaka-inspire na kwento ng mga ordinaryong Pinoy na hindi nawawalan ng pag-asa at nananatiling matatag sa kabila ng mga pakikibaka at hamon na hinaharap nila araw-araw.

Matatandaang sa CNN Philippines unang napanood ang “Dear SV” noong Pebrero 18 na nagsilbing liwanag at pag-asa sa mga indibidwal at komunidad sa buong bansa sa pagbibigay ng tulong sa pamamagitan ng sustainable livelihood, scholarships, employment at financial assistance.

Baka Bet Mo: Rhian Ramos, Sam Verzosa totoong naghiwalay pero nagkabalikan din: ‘Mas naging strong pa yung relationship namin’

Aniya, “I’m so grateful to my first home network for giving me the oppurtunity to venture into TV hosting.”

Samantala, kahit may posisyon sa gobyerno si Sam bilang party list representative ay hindi niya ginagamit ang pondo ng opisina niya para ipangtulong kundi nanggagaling daw ito sa mga negosyong itinatag nila tulad ng Frontrow International at bilang presidente ng mamahaling brand ng kotse, ang Maserati Philippines.

“Ginagalingan ko lagi pati sa negosyo kasi po ‘yun po ang paraan para makatulong po kami sa kanila (nangangailangan). Hindi kami makakatulong kung wala kami no’n (negosyo),” sey niya.

Ang isa sa mga hindi nalilimutan ni SV ay ang lolang 86 year-old na si Lola Fedeng na isang pedicab driver.

“To me, that was really an eye opener.  Imagine, Lola Fedeng still works at her old age.  She actually represents the majority of Filipinos who belong to the poverty line, but are still working hard to make both ends meet,” kwento niya.

Aniya pa, “Her story is really is really inspiring.  That’s what we want to share and to inspire more.”

Sa mga bagong episodes na ipalalabas sa GMA 7 ay ang “Dear SV” ay ipapakita ng maraming na-experience si Sam sa unang pagkakataon tulad ng pagpi-pedal ng pedicab, paglilinis ng isda sa wet market at marami pang iba.

“My close encounters with Lola Fedeng, Tatay Rolando, Ronnie and others have humbled me.  Now, I am grateful and content with what I have,” emosyonal na sabi ni Sam dahil naranasan niya ang mga hirap ng mga kababayan natin lalo na sa bandang Mindanao.

Labis ding pinasalamatan ni Sam ang buong Team niya dahil napakasisipag at magagaling.

Sabi pa ng founder ng Batang Sampaloc Foundation Inc., pinagpapatuloy niya ang legacy ng yumaong ama na tulungan ang mga nangangailangan.  Kaya patuloy siya sa pagbabahagi ng mga blessings na natatatanggap.

Palagi rin niyang tinatandaan ang advice ng butihing ama na, “Never forget to give back.”

At inamin na kapag maluwag ang oras ng kasintahang si Rhian ay sinasamahan niya ito sa pamamahagi ng tulong kaya’t lalong sumasaya ang mga kasama sa “Dear SV.”

“Total support talaga si Rhian, minsan sumasama siya sa shoot namin. Then, one time, wala sa plano, sabi namin, why not samahan niya ako na ibigay ang regalo sa isang karapat-dapat na tao. Pero dahil nandun siya to support me, bigla siyang lumabas sa isang episode na kinunan namin sa Davao de Oro, na malayong lugar,” chika ni SV.

Patuloy niya, “Matagal na rin siyang gumagawa ng mga charities niya, lalo na pag birthday niya. Kaya maganda, dahil iisa ang advocacy namin.  Actually, nung umpisa pa lang kami na magkakilala, ‘yung pangrap ko at pangarap niya ay magtayo ng community na sustainable na makatutulong sa mga tao.

“Kaya medyo nagulat kami, dahil pareho ang gusto namin at isa ‘yun sa nag-connect sa amin noong bago pa lang kami nagkakilala kaya’t ang laking bagay talaga ang support niya plus ‘yun non-stop na advices niya.  Minsan kasi, kinakabahan pa ako bago mag-shoot, kaya siya ang nagbibigay ng inspirasyon at mga advice,” masayang kuwento ni Sam.

Huling sabi ni Sam na pinakalayunin ng “Dear SV” ay, “my advocacy is to help who help the helpless who work hard to improve their standard of living.  And that’s exactly what ‘Dear SV’ stands for.”

Related Chika:

Maui Taylor inamin ang dahilan kung bakit kasama pa rin ang ex-partner sa iisang bubong

Read more...