Iza Calzado sarap na sarap sa pagiging nanay; ‘Shake, Rattle & Roll Extreme’ mananakot bago mag-Pasko
By: Ervin Santiago
- 12 months ago
Iza Calzado at Baby Deia
FEELING buong-buo at fulfilled ang award-winning actress na si Iza Calzado ngayong isa na siyang ganap na nanay.
Nang ipanganak daw niya si Baby Deia, ang panganay nila ng asawang si Ben Wintle, last January ay naisip niyang ito pala ang talagang gusto niya – ang maging mommy.
Sa guesting ni Iza sa “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon, natanong siya kung paano nakatulong ang pagiging nanay sa kanyang pagkatao.
“I don’t want to say it because with all due respect to other women who don’t have kids, baka kasi isipan nila…
“Kasi ang naisip ko, whole. Pero siguro kung hindi ‘yon, maybe the word is ‘fulfilled.’ Fulfilled, content and whole,” pahayag ni Iza.
“Because before, restless. ‘Yun pala, ‘Ikaw lang pala ‘yung kailangan ko. Na kung saan-saan ko hinahanap, may it be material things and other things na don’t really serve my highest purpose here on earth.’ Nandu’n lang pala. Takot na takot kasi ako talaga dati,” sey pa ng celebrity mom.
Pag-amin pa niya, “Pero ang sarap pala, napakasarap!”
“There is a quote na ‘become a person that your child will be proud of.’ And I guess Deia has done that for me.
“I have a lot of moments in my life that I’m not very proud of. Pero pagsusumikapin kong maging isang karapat-dapat, na respetuhin niya, at tingalain at mahalin.
“‘Yun ang promise ko sa mga magulang ko, I will do my best to be the best parent to my child,” lahad pa ni Iza.
Naging emosyonal naman ang aktres nang ilarawan niya si Deia bilang “legacy” ng kanyang pamilya, “When I think of Deia legacy ‘yun ng pamilya namin. In her I see my ancestors, my mother and my father.
“Hopefully one day, I may no longer be around, she has children, may she feel that as well, the same way I feel talaga kapag tinitingnan ko ang anak ko, nakikita ko ang tatay ko,” aniya pa.
Matatandaang ikinasal sina Iza at Ben Wintle noong December, 2018.
Samantala, very positive naman si Iza na kahit hindi nakapasok sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pelikula nilang “Shake, Rattle & Roll Extreme” ay susuportahan pa rin ito ng madlang pipol.
Maraming nanghinayang na hindi napili ang pelikula ng Regal Entertainment sa taunang filmfest dahil naniniwala sila na hindi kumpleto ang MMFF kapag walang “SSR”.
Ang naging desisyon ng Regal Entertainment producer na si Roselle Monteverde, ipalabas ang kanilang pelikula sa mga sinehan simula sa November 29.
Sey ni Iza sa presscon ng “SSR Extreme” kahapon, November 14, “Nakaka-excite na hindi na namin patatagalin ang suspense ng horror. Uunahan na natin bago mag-Pasko, as you said Christmas came in early in the form of Shake, Rattle & Roll.”
“I think kahit na anong season, kahit na ano, summer, kahit saan mo ilagay ang Shake, Rattle & Roll, meron at merong manonood nito dahil as a testament, napakalakas ng ugong online ng mga tao.
“But we just really want to watch it whatever the playdate is,” aniya pa.