P3.5-M pabuya sa makapagtuturo, makakahuli sa pumatay kay Johnny Walker

Balita featured image

P3.5 MILLION! 

Ganyan kalaki ang ibibigay na pabuya ng provincial government ng Misamis Occidental upang mahuli ang mga suspek na pumaslang sa radio announcer na si Juan Jumalon o mas kilala bilang si “Johnny Walker” ng 94.7 Calamba Gold FM.

Kung maaalala, nong November 5 nang pinagbabaril ang biktima habang on-air sa kanyang programa.

Ang karumal-dumal na pangyayari ay nakunan pa mismo sa Facebook live stream video ng nasabing istasyon, ngunit ito ay burado na.

Ayon kay Misamis Occidental Governor Henry Oaminal, P500,000 ang reward money na ibibigay para sa indibidwal na makakapagbigay ng impormasyon sa mga suspek at P3 million naman para sa law enforcer na makakaaresto sa mga killer.

Noong November 8, nagsampa na ang Philippine National Police (PNP) sa Prosecutor’s Office ng nasabing probinsya ng mga kasong pagpatay at pagnanakaw laban sa tatlong suspek na pumunta sa bahay ni Jumalon.

Isa lamang sa tatlong suspek ang pinangalanan base sa “charge sheet” habang ang dalawa pa ay kinilala lamang sa pangalang John Does.

Baka Bet Mo: Michelle Dee maraming pasabog sa Miss Universe 2023: ‘Nililigawan ko talaga yung pang-5 korona ng Pilipinas’

Ayon kay Capt. Deore Ragonio, ang hepe ng Calamba police, natukoy na nila ang gun-for-hire group na kinabibilangan ng tatlong suspek.

Mayroon, aniya, silang intelligence information na nag-ooperate ang grupo sa mga bayan ng Sapang Dalaga, Concepcion, Baliangao, Calamba, at Plaridel.

Habang ang Special Investigation Task Group naman ay hindi pa tapos sa imbestigasyon.

Magugunitang inatasan ni Pangulong Bongbong Marcos ang PNP na magsagawa ng masusing imbestigasyon.

Bukod sa utos ng chief executive, nanawagan din ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa PNP na bumuo ng special investigation task group para imbestigahan ang kaso.

Nailibing na ang radio broadcaster sa kanyang hometown sa bayan ng Polanco sa Zamboanga del Norte noong November 12.

Read more:

Read more...