Carla Abellana na-scam nga ba ng mahigit kalahating milyon sa credit card?

Carla Abellana na-scam nga ba ng mahigit kalahating milyon sa credit card?

PHOTO: Instagram/@carlaangeline

IBINANDERA ng aktres na si Carla Abellana ang kanyang panlulumo at lubos na pag-aalala sa social media.

Paano ba naman kasi, na-charge ang kanyang credit card sa halagang $11,087.33 o P620,009!

Mismong si Carla ang nagbalita nito sa pamamagitan ng kanyang Threads account kamakailan lang.

Nag-aalala ang aktres dahil hindi niya alam kung paano niya ito mababayaran.

“Lord, how will I pay for the $11,087.33 that was charged to my BDO Mastercard?” post ni Carla.

Baka Bet Mo: Carla Abellana ibinuking ang tunay na ugali ni Ruru Madrid; bakit mas tumaas pa ang respeto sa mga action stars

PHOTO: Threads/@carlaangeline

Hanggang ngayon ay hindi pa idinedetalye ng aktres kung siya nga ba ay na-scam, pero inihayag niya sa mga sumunod na mga post ang kanyang nararamdaman.

May caption siyang sinabi na “Heartbreaking” at “Losing hope.”

PHOTO: Threads/@carlaangeline

Sa comment section, maraming netizens ang nag-worry din sa kanya at itinanong kung ano ang nangyari sa kanyang credit card.

May mga nagbigay rin ng tips kung ano ang mga posibleng gawin ng aktres laban sa insidente.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“OMG!!! Hacked?!!”

“Omg! That needs to be disputed if it’s because of cloning the card.”

“Paano po nangyari na-nacharge po kayo sa ganyang kalaking halaga?”

“I’d rather pull all my remaining money in that bank and find another that’s been reliable for decades. Something that you are secure, in good hands with…”

Samantala, bibida si Carla sa bagong TV series na “Stolen Life” na ipapalabas na ngayong November 13 sa GMA Network.

Kasama niya riyan ang batikang aktor na si Gabby Concepcion at aktres na si Beauty Gonzalez.

Ang teleserye ay iikot sa kwento nina Carla at Beauty, ang magpinsan na may kakaibang abilidad na kayang gawin ang tinatawag na “astral projection.”

Related Chika:

Mariel Padilla todo shopping after 2 years, pikit mata na lang pagdating ng credit card bill

Read more...