James Reid, Issa Pressman naka-follow nang muli sa isa’t-isa, nagkatampuhan lang ba?

James Reid, Issa Pressmannaka-follow nang muli sa isa't-isa, nagkatampuhan lang ba?

USAP-USAPAN ngayon sa social media kung hiwalay na nga ba ang magdyowang sina James Reid at Issa Pressman.

Ito ay matapos napansin ng madlang netizens na nag-unfollow ang dalawa sa isa’t isa sa Instagram.

Biyernes ng gabi nang mapansin ng isang netizen na hindi naka-follow si James kay Issa at ganoon rin ang dalaga kaya naman marami ang nanghinayang dahil hindi man lang daw nagtagal ang relasyon ng dalawa.

Hindi naman maitatanggi na nag-unfollowan nga ang dalawa dahil may mga ebidensyang screenshot ang mga Marites.

Samantala, may iba rin na nagsabing in-unfollow ni James si Issa pero nananatili pa rin itong naka-follow sa kanyang ex-girlfriend na si Nadine Lustre.

Kahit naman naka-unfollow ang dalawa sa isa’t isa ay makikita pa rin ang mga larawan nila sa feed.

Baka Bet Mo: James Reid, Issa Pressman parehong ‘obsessed’ sa isa’t isa: ‘We’re just living our lives and we’re very happy!’

 

Huling nakitang magkasama in public sina James at Issa nang dumalo ito sa Opulence Ball noong October 31, 2023.

Ngunit nang i-check naming muli ang kanilang Instagram accounts ay makikitang naka-follow na ulit ang dalawa sa isa’t isa.

Tila na-“it’s a prank” ang madlang pipol dahil sa pag-aakalang hiwalay na ang dalawa.

Kaya naman hindi maiwasan ng mga netizens na mag-isip at maghinuha na baka nagkaroon lang ng tampuhan ang dalawa.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens sa X (dating Twitter) ukol sa recent ganap nina James at Issa.

“MGA MARITES! ISSA PRANK!” sey ng isang netizen kalakip ng screenshot na naka-follow nang muli ang dalawa sa isa’t isa.

Comment naman ng isa, “Nagpapapansin lang naman sila. May bagong project ba na ipo-promote para pag-usapan?”

“next time James mag goodnight baby ka at mag update para hindi ka ibloblocked ni issa, sa labas kana man ba natulog?” biro naman ng isa.

Related Chika:

Paglayas ni Liza Soberano sa talent management ni James Reid na Careless ‘fake news’

Nadine Lustre, James Reid nag-trending dahil sa ‘twinning’ outfit, JaDine fans hindi maiwasang kiligin

Read more...