Jolina ‘di makapaniwala sa nakitang ‘northern lights’ kasabay ng 45th birthday

Jolina ‘di makapaniwala sa nakitang ‘northern lights’ kasabay ng 45th birthday: ‘Totoo ba talaga to?!’

PHOTO: Instagram/@mariajolina_ig

TILA naging extra special ang pagdiriwang ng kaarawan ng TV host-actress na si Jolina Magdangal.

Bukod kasi sa kumpleto silang pamilya na nagbakasyon sa Alberta, Canada ay dalawang magkasunod na gabi niyang na-witness ang tinatawag na “northern lights.”

Sa Instagram, masayang ibinandera ni Jolina ang ilang litrato kasama ang kanyang mister na si Mark Escueta at mga anak na sina Pele at Vika habang makikita sa background ang “aurora borealis.”

“Sa mga susunod na araw na ako magkukwento kasi hanggang ngayon lutang pa ako sa pag-isip [na] ‘totoo ba talaga na nakita ko siya’?” sey ng aktres sa kanyang post.

Wika pa niya, “Salamat Panginoon. Dami mo nang bonus sa mga wish ko.”

Baka Bet Mo: Fans nina Julie Anne at Jolina nagbardagulan, sino nga ba ang karapat-dapat tawaging ‘Pop Icon’?

Sa hiwalay na IG post, nagpahayag ng pasasalamat ang celebrity mom para sa lahat ng bumati sa kanyang special day.

“Itong taon na ito ay na-experience ko ang dalawang birthday. Isang Pinas at Banff, Canada,” caption niya.

Ibinunyag niya rin na ang kanyang asawa ang nagplano ng kanilang Canada trip at isa raw ito sa mga hindi nila malilimutan na karanasan.

“Napakasaya ko. Itong trip namin na ito ay si Mark ang nagplano,” kwento ni Jolina.

Ani pa niya,  “Itong trip na ito ay isa sa magiging unforgettable para sa amin ni Mark at alam ko na magiging core memory ni Pele at Vika.”

Makikita sa comment section na bumuhos ang mga pagbati mula sa kapwa-artista at ilan lamang diyan ay sina Amy Perez, Melai Cantiveros, Camille Prats, Karylle, Judy Ann Santos, at marami pang iba.

Kung matatandaan, dalawang beses ikinasal sina Jolina at Mark noong 2011 – church wedding at garden wedding.

Taong 2014 nang isinilang ng TV host ang panganay na si Pele, habang noong 2018 si Vika.

Related Chika:

Jolina proud na proud sa ‘friendship’ nila ni Judy Ann: ‘Sobrang masaya ako sa mga achievements mo!’

Read more...