NAGPAHAYAG ng kanyang saloobin ang TV host-actress na si Anne Curtis hinggil sa kasalukuyang nagaganap na gyera sa pagitan ng Israel at Palestine.
Sa isa sa kanyang mga Instagram stories ay ibinahagi ng “It’s Showtime” host ang isang video ng batang lalaki na nanginginig at takot na takot sa nangyayari. Makikita rin sa video ang isang bata na marahil ay kapatid nito na nag-aalala sa panginginig ng mas nakababatang lalaki.
“This has to stop. These are children. Innocent children who have done absolutely nothing to deserve this,” lahad ni Anne.
Pagpapatuloy pa niya, “I can’t take how frightened this little boy is. How traumatised he must be. I wish there was more we could do.”
Para sa mga aware, isa si Anne sa mga ambassador ng isang UNICEF, isang humanitarian aid organization na nagpo-focus sacpagbibigay tulong sa mga pangangailangan ng mga kabataan.
Samantala, hindi naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na may Filipino actress na nagpakita ng suporta para sa mga batang nadadamay sa gulo sa pagitan ng dalawang bansa.
Kamakailan lang nang maglabas ng saloobin si Janella Salvador sa isang tweet sa kanyang X (dating Twitter) account noong Lunes, November 6.
“the amount of times i’ve cried seeing all these posts about Palestianian children dying and losing loved ones… i just wish there was something I could do. I wish there was something we could all do besides watch their entire world crumble,” pagbabahagi ng Kapamilya star.
Related Chika:
Anne Curtis nagbago ang lifestyle nang magkaasawa’t anak, mas naging wais sa paghawak ng pera