Sulat mula kay Dan, ng Barangay Dulapo, Oroquieta City
Dear Sir Greenfield,
Meron akong lupain, di naman malawak, sa kabilang lalawigan. Magulo ang isip ko dahil sa kahirapan ng buhay. Hindi ko alam kung magre-resign na lang ako sa gobyerno dahil hindi naman nadadagdagan ang aking suweldo. Ayaw ko namang magnakaw. O, maghihintay na lang ng retirement. Hindi ako college graduate kaya nakapako ang suweldo ko. May negosyo naman kami ng misis ko na mga hayop sa aming likod-bahay at kahit paano ay kumikita kami, na nauuwi lang sa edukasyon ng mga bata. Ang sabi ng misis ko, mag-resign na lang ako at gamitin namin ang lupain sa kabilang lalawigan. Ano ba ang maganda rito, gulay o hayupan, dahil malawak ang sabsaban dito. Itatanong ko lang po kung susuwertehin kaya ako sa paghahayupan? Balak ko po kasing lakihan pa ang aming business at bumili pa ako ng mga baka. Ano po ba ang masasabi ninyo sa balak kong ito? Kapag nag-resign ako sa pagka-sundalo may pag-asa kaya kaming yumaman sa negosyong paghahayupan? January 2, 1961 po ang birthday ko.
Umaasa,
Ef
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kusa namang nagpalit o nag-iba ng linya ang Fate Line o Career Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, mula sa pagseserbisyo, sa malapit na hinaharap ikaw ay magiging matagumpay na negosyante.
Cartomancy:
Ace of Diamonds, Eight of Hearts at Eight of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing higit ka ngang papalarin at uunlad, sa negosyong may kaugnayan sa paghahayupan, kesa pamamalagi sa gobyerno. Itutuloy
Pera sa hayop
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...