JAKE: Natotorpe ako kay JESSY!


KUNG sasagutin siya ni Jessy Mendiola, gusto ni Jake Cuenca na ito na rin ang maging huling relasyon niya. Seryoso na sa panliligaw ang hunk actor sa leading lady niya sa seryeng Maria Mercedes at handa raw siyang maghintay kahit pahirapan pa siya ng Kapamilya actress.

Pero kasabay nito, inamin naman ni Jake na natotorpe pa rin siya sa panunuyo kay Jessy, lalo na kapag tinutukso sila sa taping ng kanilang teleserye, magkahalong nerbiyos at kilig daw ang nararamdaman niya.

Na-miss rin daw niya ang manligaw, kaya sobrang happy daw siya sa ginagawa niya ngayon kay Jessy, “Sabi ko nga inaatake rin ako ng pagkatorpe kapag minsan, iba pa rin kasi yung feeling kapag niloloko kayo ng mga kasamahan n’yo, lalo na kapag yung mga eksena na namin ang kukunan.

So, tinatamaan ako nang pagkatorpe. “Pero okey lang naman yun na maranasan ko rin yun, ngayon pa kung kailan nag-mature o tumanda na ako,” sey pa ni Jake na mapapanood muli sa bagong pelikula ng Regal Films, ang sexy-drama-comedy na “Status: It’s Complicated”.

Makakasama niya rito sina Maja Salvador, Paulo Avelino, Solenn Heussaff at Eugene Domingo, sa direksiyon ni Chris Martinez at showing na nationwide sa Nov. 6.

Read more...