Radio announcer sa Misamis Occidental patay matapos barilin ‘on-air’

Balita featured image

ISANG karumaldumal na pangyayari ang sinapit ng isang radio announcer sa Misamis Oriental.

Siya’y walang habag na pinaslang habang “on-air” sa kanyang programa ngayong araw, November 5.

Ang biktima ay si Juan Jumalon, 57 anyos, na kilala rin bilang si “Johnny Walker” ng 94.7 Calamba Gold FM, isang lokal na radio station sa bayan ng Calamba ng nabanggit na probinsya.

Naganap ang krimen sa loob mismo ng booth ni Jumalon na matatagpuan sa kanyang tahanan sa P-2, Brgy. Don Bernardo A. Neri.

Baka Bet Mo: Vice Ganda naiyak sa sinapit sa isang airlines: Grabeng pang-aabala at perwisyo ang dinulot mo sa masaya sanang trip na ito!

Base sa initial report ng Calamba Police Station, nakapasok ang suspek sa istasyon matapos humingi ng permiso dahil may ia-announce daw itong importanteng bagay.

Pero lingid sa kaalaman ng mga nandoon ay may masamang balak na pala itong gagawin.

Nakita ng mga saksi na may kinuhang baril ang lalaki sa kanyang bulsa bago pa tuluyang makapasok sa radio booth, at bigla nalang binaril ang broadcaster.

Agad na tumakas ang suspek mula sa lugar.

Ang mga pangyayari ay nakunan mismo sa Facebook live video ng 94.7 Calamba Gold FM.

Burado na ang live stream, pero maraming netizens ang nakapag-record ng nangyaring krimen kung saan makikita rin na hinablot pa ng suspek ang gold necklace ni Jumalon at mabilis na tumakas.

Sinugod kaagad sa malapit na ospital ang radio announcer, ngunit siya ay idineklara nang “dead on arrival.”

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang posibleng motibo sa likod ng pagpatay kay Jumalon.

Read more:

Xian sa pagpapakasal kay Kim: Nilalaro ko na lang yung sagot ko kung kailan, sabi ko siguro mga 60 years old, 70, 80

Read more...