R’Bonney Gabriel ‘senti mode’ sa paglilipat ng bahay, umalis na sa Miss Universe apartment

R’Bonney Gabriel ‘senti mode’ sa paglilipat ng bahay, umalis na sa Miss Universe apartment: ‘Definitely going to miss it!’

PHOTO: Instagram/@rbonneynola

ILANG linggo na lang kokoronahan na ang bagong reyna ng Miss Universe!

Kaya naman bago ang napipintong coronation day ay nagdesisyon na ang reigning queen na si R’Bonney Gabriel na lumipat na ng bahay mula sa tinitirhan niyang Miss Universe apartment na nasa New York.

Sa Instagram, ipinasilip ng beauty queen ang kanyang “moving day” at tila napa-sentimode pa siya sa post.

Aminado si R’Bonney na mam-miss niya ang naging tahanan niya ng halos isang taon.

“Moving day. Packing up my plant babies and moving out of the Miss Universe apartment. Definitely going to miss it,” wika niya.

Caption pa niya, “Hope the next queen enjoys it just as much as I did.”

Baka Bet Mo: Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel bumalik sa Maynila, inalala ang pagbili ng pandesal sa umaga, paglalaro sa ulan at baha, pagto-tongits sa ‘plastic table’

Sa dulo ng kanyang post, tinanong pa niya ang pageant fans kung sino sa tingin nila ang makakakuha ng titulo.

“Who do y’all think is moving in next? [crown emoji],” saad niya.

Maraming netizens naman ang nagkomento at inihayag ang kanilang bet sa upcoming Miss Universe pageant sa El Salvador.

Ilan lamang sa mga paboritong nabanggit nila ay sina Miss USA 2023 Noelia Voigt, Miss Universe Thailand 2023 Anntonia Porsild at Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee.

May mga naghahangad din na makukuha nina Miss Universe Dominican Republic 2023 Mariana Downing, Miss Universe France 2023 Indira Ampiot, Miss Universe Puerto Rico Karla Guilfu, Miss Universe Chile 2023 Celeste Viel, Miss Universe India 2023 Shweta Sharda, Miss Universe Nicaragua 2023 Sheynnis Palacios o kaya naman ni Miss Universe South Africa 2023 Bryoni Govendor ang korona ng nasabing kompetisyon.

Noong January 14 nang maiuwi ni R’Bonney ang Miss Universe title.

As of this writing, siyam mula sa United States ang nakakuha na ng nasabing titulo.

Sa katunayan nga, ang US ang nangunguna sa pinakamaraming panalo sa Miss Universe pageant.

Samantala, ang Pilipinas naman ay apat na beses nang nananalo sa nasabing kompetisyon.

Ang mga nakoronahan na mula sa ating bansa ay sina Gloria Diaz, Margarita Moran, Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

Makukuha kaya ng ating pambato ngayong taon na si Michelle Dee ang ikalimang korona para sa Pilipinas?

Related Chika:

Online voting ng Miss Universe nag-umpisa na, paano iboboto ang bet ng Pinas na si Michelle Dee?

Read more...