ANGEL: Totoo, hiwalay na kami ni PHIL, pero ayoko nang sabihin sa inyo ang dahilan! | Bandera

ANGEL: Totoo, hiwalay na kami ni PHIL, pero ayoko nang sabihin sa inyo ang dahilan!

Alex Brosas - October 26, 2013 - 03:00 AM


NAGSALITA na rin sa wakas si Angel Locsin tungkol sa hiwalayan nila ni Phil Younghusband. Angel chose to release an official statement sa kanyang Twitter account, ang @143redangel.

The Kapamilya actress denied having given an interview sa isang reporter kung saan na-quote pa siya. “This is my official statement: Sa mga naglalabasang balita kung saan na-quote po na nag pa-interview ako, hindi po ito totoo.

Wala pa po akong nakakausap about the issue dahil sa totoo lang po hindi ko pa ho kayang kumausap ng kahit sino sa press at nag si-sink in pa lang po samin ngayon ang lahat ng ito. Pasensya na po,” sabi ni Angel.

She also clarified, “Dalawa pa lang po ang nakausap ko, Si Manay Ethel na manager ko at si Darla na sinagot ko lang po ang text sa akin dahil naramdaman ko ang sincerity niya although hindi po ako directly nagsalita about sa amin ni Phil.

It was also off the record.” Then, inamin niyang totoo ang chismis na hiwalay na sila ni Phil pero she refused to give details as to what caused the separation.

“Sa lahat po ng nagtatanong kung totoo bang hiwalay na kami ni Phil, Totoo po. Sana po maintindihan nyo kung hindi na po namin sasabihin ang dahilan..pero maayos po kaming naghiwalay at mutual decision po ito.

“Pasensya na po kung hindi po kami makasagot agad tungkol sa status ng aming relasyon. Lalong-lalo na po sa mga sumuporta sa aming dalawa.

Hindi po namin kayo binalewala… mahirap lang po talaga kung nasa ganitong sitwasyon,” Angel further explained.
Parang hindi makapaniwala si Angel na nauna pang nachismis na hiwalay na sila bago pa man sila umaming break na.

“Nagulat na lang kami na naunahan na kami ng balita bago pa man kami makapagusap uli. Salamat po sa lahat ng sumubaybay at sumuporta sa journey namin ni Phil lalo na ho dito sa twitter.

Hinding-hindi po namin malilimutan,” sabi niya. So, klaro na hiwalay na nga sina Angel at Phil.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending