Dating sexy star na si Brandy Ayala kaawa-awa ang kalagayan ngayon, kumukuha ng pagkain sa basurahan
NAKAKADUROG ng puso ang sinapit ng dating sexy actress na si Brandy Ayala na sumikat sa mundo ng showbiz noong dekada 80.
Napanood namin ang latest vlog ng showbiz reporter at content creator na si Morly Alinio kung saan pinuntahan niya ang kinaroroonan ngayon ni Brandy.
Ayon sa mga kapitbahay at ilang nakakakilala sa dating sexy star, palakad-lakad na lamang umano ito sa kanilang lugar para maghanap ng pagkain sa mga basurahan.
Base sa panayam ni Morly, kahit daw binibigyan siya ng pagkain ng mga nakakakilala sa kanya ay hindi raw niya ito tinatanggap.
Mas gusto raw kasi nito ang maghalungkay sa basurahan, at kung ano ang matatagpuan niya rito ay siya niyang kinakain.
At kapag binigyan o inabutan siya ng makakain ng kanyang mga kapitbahay ay hindi niya kukunin pero kapag may nakita ito sa kalsada ay siya na mismo ang kukuha.
Hindi naman daw pinagagalitan o pinakikialaman ng mga tagaroon si Brandy dahil naiintindihan umano nila ang kundisyon nito, lalo na sa kanyang mental health.
Baka Bet Mo: Dennis: Pinatunayan ni Rizal ang kagitingan niya sa pamamagitan ng paglaban kung ano ang tama at makatarungan
Sa isang bahagi ng vlog, inabutan ni Morly ng barya si Brandy na ipinambili naman niya ng yosi. Ang ikinaloka pa ni Morly, pilit na ibinalik sa kanya ng dating sexy star ang sukli sa kanya.
Matagal nang napabalita ang kalunus-lunos na kalagayan ng sexy star pero mukhang hindi na nga siya nabigyan ng kaukulang medical attention.
Nakilala si Brandy noong dekada ’80 bilang isa sa “Liquor Beauties,” at na-discover ng controversial talent manager na si Rey dela Cruz.
Makalipas ang halos dalawang dekada, naging paksa ng mga television talk show at public service program si Brandy dahil naging palabuy-laboy ito sa Divisoria, namamalimos at nanghihingi ng makakain.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.