#Undas2023: Pipay idol na idol ang yumaong direktor na si Wenn Deramas: Sobrang iconic niya para sa akin!

Pipay idol na idol ang yumaong direktor na si Wenn Deramas: Sobrang iconic niya para sa akin!

Pipay, Wenn Deramas

TILA nanghihinayang ang social media star na si Pipay na hindi niya naabutan ng kanyang kasikatan ang yumaong sikat na direktor na si Wenn Deramas.

‘Yan ang inihayag ng socmed personality matapos siyang tanungin ng BANDERA kung sino sa mga celebrity na pumanaw ang gusto nilang makita.

Para kay Pipay, maituturi niyang superstar si Direk Wenn dahil sa talento nito pagdating sa paggawa ng mga kakaibang pelikula o proyekto.

Kwento niya, “Hindi siya celebrity. Siguro si Direk Wenn kasi I want to meet him talaga, like, sobrang great mind.”

Baka Bet Mo: Pipay ka-face raw ni Valentine Rosales: ‘Hindi ko matanggap! Wala akong masabi, sumama lang ang loob ko!’

“Lalo na part siya ng LGBTQ, as well as me, and ‘yung humor niya is out of this world, like, hindi ko siya maiisip, pero naiisip niya,” sey pa niya.

Pagpupuri pa ni Pipay sa direktor, “Sobrang brilliant ng mind, sobrang brilliant niyang individual.”

Inamin din ng content creator na talagang fan siya ng mga likha at obra ni Direk Wenn kaya nanghihinayang daw siya na hindi man lang daw niya ito nakita ‘nung buhay pa.

“Sayang sana naabutan ko siya kahit nakamayan ko nalang, ‘yung ganun…Sobrang galing niya as a person, sobrang iconic niya para sa akin kasi love ko mga movies niya,” sambit ni Pipay.

Taong 2016 ng pumanaw ang box-office director na si Wenn matapos atakihin sa puso sa edad na 46.

Mismong ang matalik na kaibigan ng Kapamilya director na si June Rufino ang nagkumpirma ng malungkot na balita sa panayam nito sa radyo.

Kwento ng talent manager, unang isinugod sa Capitol Medical Center ang isang kapatid ni Direk Wenn na idineklara na ng mga doktor na dead on arrival na.

Mabilis daw na nagtungo sa ospital ang direktor pero ito naman ang inatake at cardiac arrest daw ang sanhi ng pagkamatay nito.

Kung matatandaan, noong 2013 ay nagkaroon ng mild stroke si Direk Wenn at dahil diyan ay matagal din siyang nagpahinga at hindi muna nagdirek ng mga serye at pelikula.

Ang huling pelikula ng yumaong direktor ay ang “Beauty And The Bestie” nina Vice Ganda at Coco Martin” na isa ring certified box-office.

Ilan pa sa mga nagawa niyang pelikula ay ang “Tanging Ina” ni Ai Ai delas Alas, “Petrang Kabayo” (2010), “The Unkabogable Praybeyt Benjamin” (2011), Girl Boy Bakla Tomboy (2013) at ang “The Amazing Praybeyt Benjamin” (2014) na pinagbibidahan lahat ni Vice.

Ilan naman sa mga seryeng nagawa ng sikat na direktor sa ABS-CBN ay ang “Mula Sa Puso,” “Saan Ka Man Naroroon,” “Sa Dulo Ng Walang Hanggan,” “Marina,” “Kampanerang Kuba,” “Walang Kapalit,” “Dyosa,” “Kahit Puso’y Masugatan” at ang pinakahuli nga ay ang “Flordeliza.”

Related Chika:

Read more...