Pia bet na bet ang pagtanggal ng ‘age limit’ sa Miss Universe: ‘Former candidates are now considering coming back…’

Pia bet na bet ang pagtanggal ng ‘age limit’ sa Miss Universe: ‘Former candidates are now considering coming back…’

PHOTO: Instagram/@piawurtzbach

LUBOS na ikinatutuwa ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang naging hakbang ng Miss Universe Organization (MUO) na tanggalin ang “age limit” para sa mga kandidatang nagnanais sumali sa prestihyosong international beauty pageant.

Ayon kay Pia, mas maraming kababaihan ang makakapagbigay ng inspirasyon anuman ang kanilang edad.

“I’m very open to the changes happening now,” masayang sabi ng beauty queen sa naging ambush interview ng ilang entertainment press sa isang event.

Sambit pa niya, “I think it’s something na in-expect natin na magiging mas inclusive na ang Miss Universe. I think it’s going in the right direction.”

Baka Bet Mo: Shamcey Supsup-Lee sa pagtanggal ng ‘age limit’ ng Miss Universe: I think it will make the competition tougher…

“Isipin mo nga naman, ano ba ang Miss Universe? What is her role really?” dagdag niya.

Magugunita nitong Setyembre lamang nang inanunsyo ng MUO na wala nang age restriction simula sa taong 2024.

Bukod diyan, nitong taon lang din nang kinumpirma ng may-ari ng organisasyon na si Anne Jakrajutatip na bukas na rin ang pageant para sa mga kandidatang may asawa, diborsiyada, at buntis.

At isa rin ‘yan sa mga pinuri ni Pia na sinabing matagal na dapat itong ipinatupad.

Ipinunto ng dating beauty queen na ang ilan sa mga responsibilidad ng isang Miss Universe ay kasama ang pagiging isang tagapagsalita at inspirasyon kung saan hindi dapat magpataw ng limitasyon sa edad.

“She is a spokesperson. She is an inspiration. She will be using the platform to push for her advocacies and causes. Kung iisipin mo, may age limit ba ‘yun? Diba wala naman talaga,” sey niya.

Patuloy niya, “These are things that should be pushed by women regardless of their age, regardless if they’re married or not, regardless if they’re 5’3 or 6’2.”

“This opens the doors for many more women whom they say, ‘nasayang,’ because they [supposedly] reached their age limit and they decide to start a family,” dagdag niya.

Saad pa niya, “So now, the wishlist [for potential beauty queens] is getting longer because now we have the former candidates who are now considering coming back.”

“That makes it more interesting because you see a different dynamic na pwede pala maging inspiration kahit may anak na. Pwede nang maging inspiration kahit above 28 years old na? Bakit ba kasi hanggang 28 lang? Ano bang pinagkaiba nang 28 sa 32?” ani pa ng Miss Universe 2015.

Nabanggit din ni Pia ang ilan sa Binibining Pilipinas 2015 batchmates na nakikita niyang may potensyal pang magkaroon ng pageant comeback.

Sila raw ay sina Alaiza Malinao a Christi McGarry.

“Pero baka ma-pressure sila,” wika pa ni Pia matapos banggitin ang pangalan ng dalawa.

Related Chika:

Miss Universe bukas na para sa lahat ng kababaihan, wala nang age limit

Read more...