Vivoree, Joao, Alora, Gello agaw-eksena sa ‘Can’t Buy Me Love’, feeling blessed na makatrabaho sina Belle at Donny

Vivoree, Joao, Alora, Gello agaw-eksena sa 'Can't Buy Me Love', feeling blessed na makatrabaho sina Belle at Donny

Alora Sasam, Joao Constancia, Vivoree Esclito at Gello Marquez.

BUKOD sa tambalang Donny Pangilinan at Belle Mariano, inaabangan din sa hit Kapamilya series na “Can’t Buy Me Love” ang mga karakter nina Vivoree Esclito, Alora Sasam, Joao Constancia at Gello Marquez.

Para sa apat na Kapamilya artists, isang napakalaking blessing na mapasama sila sa naturang serye na napapanood sa Netflix at iba pang ABS-CBN platforms.

In fairness, napakahalaga rin ng kanilang mga role sa bagong serye ng DonBelle kaya tutok din ang mga manonood sa mga pasabog at paandar nila sa programa.

“Sobrang happy kasi nakasama ko po ulit ang mga kaibigan ko na nakatrabaho ko na before at kumportable na po ako. At the same time may trabaho at siyempre ginagawa ko po ‘yung gusto kong ginagawa, so happy,” ang chika ni Gello sa panayam ng “Magandang Buhay.”

Sey naman ni Vivoree, “Ako super duper happy po ako and grateful kasi masaya kami sa set. Super tawa-tawa lang kami, kain lang kami kapag break time namin.

“Of course, it’s a new blessing to be able to showcase my love for acting din. So I am very, very grateful and happy,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Gello Marquez feeling champion pa rin kahit nganga sa ‘Idol PH’, may sarili nang album: ‘There’s winning in losing’

“Ako siyempre super happy kasi magpa-Pasko na, kailangan nating mag-save at siyempre sa mga mina-manifest pa natin. So, mayroon tayong suweldo, thank you so much,” chika naman ng komedyanang si Alora.

Para naman kay Joao, “We worked with them before. Now with the new proiect sobrang saya po namin siyempre working with Direk Mae.

“I worked with her before already. So I am working with her again super happy with that. And just to be able to still do what I love yung acting ko po so super happy ako roon,” sey pa niya.

Read more...