NAGLABAS ng music collaboration ang tatlong world-renowned artists na sina Jung Kook ng K-Pop supergroup na BTS, Australian rapper na si The Kid Laroi at British rapper na si Central Cee.
Ito ang “Too much” under Columbia Records at Sony Music Entertainment.
Ang kauna-unahang pagsasama ng tatlong music artists ay hudyat ng upcoming full-length album ng The Kid Laroi na pinamagatang “The First Time” na nakatakdang i-release sa darating na Nobyembre.
“‘TOO MUCH’ intertwines three styles, countries, and cultures with The Kid LAROI, Jung Kook out of South Korea, and Central Cee repping the UK,” saad sa inilabas na pahayag ng Sony Music.
Dagdag pa, “The track’s head-nodding bounce and glowing keys accent the back-and-forth between this trio. The momentum culminates on an instantly catchy chorus, ‘If we had the chance and the time to spend, would you do it again? Would you do it again? Was it too much?’”
Baka Bet Mo: BTS Jung Kook naka-follow sa TikTok ni Niana Guerrero, hirit ng netizens: ‘Sana all! Ikaw na talaga!’
As of this writing, dalawang araw pa lang mula nang i-upload sa YouTube ang music video ng kanta.
Umaani na agad ito ng mahigit seven million views at pasok pa sa “Top 10 Trending for Music” ng nasabing video-sharing platform.
Makikita sa comment section na libo-libong fans ang napa-wow at nagpaabot ng suporta sa astig na kanta ng tatlo.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“Perfect collab [red heart emoji] Let’s make it number #1 on billboard charts!”
“This is such an amazing song, I love how Jungkook, Kid Laroi and Central Cee sound together. This has such a unique and sweet sound to it and I love the beat, really amazing song!”
“This is my favorite out of all of Jungkook’s recent choices. It works so well. The melody is stuck in my head and we love Central Cee in this house. Much thanks to Kid Laroi for bringing this together!!”
Related Chika:
Regine nalungkot sa pagkasunog ng Manila Central Post Office: ‘Naging bahagi ito ng buhay ko’