Hamon ni Ricci sa friend ni Andrea: ‘Gusto mo maglabasan tayo ng labada? Tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit?’

Hamon ni Ricci sa friend ni Andrea: 'Gusto mo maglabasan tayo ng labada? Tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit?'

Ricci Rivero, Bea Borres at Andrea Brillantes

“PATOLA” ang peg ngayon ng aktor at basketball player na si Ricci Rivero matapos umaming magdyowa na sila ni Leren Mae Bautista.

“Beast mode” ang binata nang patulan niya ang post sa X (dating Twitter) ng isang nagngangalang Bea Borres na pinaniniwalaang kaibigan ni Andrea Brillantes, ang ex-girlfriend ni Ricci.

Walang binanggit na pangalan si Bea sa kanyang post kahapon, October 21, ngunit marami ang nagpapalagay na para ito kay Ricci.

“TIME IS THE ULTIMATE TRUTH TELLER.

“lol hanggang hard launch nag mamalinis lmfao no,” ang mababasa sa X account ni Bea Borres.

Nang makarating kay Ricci ang naturang post ay talagang sinagot at binanatan niya si Bea sa pamamagitan ng kanyang account sa X. Bwelta niya rito, “Puro tweet Bea gusto mo maglabasan tayo ng labada?

“Tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit? Hingi ka lifeline para may bala ka bago ka mag reply publicly for your publicity.

“Sayang pakikiaalam mo kung di ka kasama sa headline,” ang matapang at naghahamong pahayag ng basketball player.

Baka Bet Mo: True ba, laging si Andrea Brillantes ang nagbabayad sa date nila ni Ricci Rivero?

Sa halip na makakuha ng simpatya mula sa netizens ay puro batikos pa rin ang napala ng binata. Narito ang ilan sa mga nabasa naming comment sa kanyang X account.

“Yabang! Porket nakahanap na ng labandera ems!”

“Maglaba ka kasi! Bantot mo!”

“Maasim ka parin.”

“Gagalet na yung dugyot. Sino ba una nagpa interview after break up? Sino clout chaser na nag propose during basketball game? Pwde naman umamin na lang na walang shade, parang ikaw pa yung victim at ginamit ng ex mo, dasal ka na lang uli sa pader, sama mo Tita mong labandera.”

“Natamaan ka ata, wala naman syang binanggit na pangalan.”

Baka Bet Mo: Ricci Rivero pwedeng kasuhan ni Andrea Brillantes ng ‘Violation Against Women And Children’ kung…

“Hoy patolera ka sa babae wala namang minemention na name nagclaclaim ka agad the nerve.”

“Tangena ricci daig moba babae sa pagkatalikitak mo HAHAHHA #riccinamaytagalabana.”

“Ang mature na ng syota mo bui di ka prin natuturuan maging MATURE? GUILTY? HAHAHAHAHA.”

“Kung labasan daw ng labada panalo ka na daw haha. pikon na ang koya mong ricci.”

“Di maka moveon? Inggit kaba sa di naglalaba? HAHAHAHA daig mo pa yung mismong nakarelasyon niya ha or baka papampam ka lang HAHAHAHA!”
“1. Walang minention na name si @bela_delapasion; 2. Si ricci minention at QRT pa si BEA tapos may THREAT. 2012 Cybercrime LAW against a person involves: THREAT, harassment, cyberlibel.”

Read more...