TV host-actress Jaymee Joaquin pumanaw na matapos makipaglaban sa breast cancer

PUMANAW na ang actress at TV host na si Jaymee Joaquin makalipas ang ilang taong pakikipaglaban sa breast cancer. Siya ay 44 years old.

Ang malungkot na balita ay kinumpirma ng kanyang pamilya at ng best friend niyang si Fides VA sa pamamagitan ng  Facebook.

Ayon sa mensaheng naka-post sa mismong FB page ni Jaymee o Jaymee Geronimo Topacio sa tunay na buhay, sumakabilang-buhay ang dating TV host at content creator nitong nagdaang Miyerkules, October 18.

Kalakip ng litrato ni Jaymee, nakasulat ang mensaheng, “It is with a heavy heart that our family announces the passing of my cousin, Jaymee Topacio aka Jaymee Wins or Jaymee Joaquin.

“She lived an extraordinary life filled with adventure, laughter, and love. She inspired and touched a lot of lives through her advocacy and talent. She will be greatly missed and will always be in our loving memory as a strong woman.

Baka Bet Mo: Jaymee Joaquin lumalala ang cancer, nanawagan ng dasal at suporta

“A life so beautifully lived deserves to be beautifully remembered.”

Sa FB post naman ng kaibigan niyang si Fides ay mababasa ang mga katagang, “Our dearest Jaymee Topacio aka Jaymee Joaquin, Jaymee Wins officially became an angel today. You’ve lived the most beautiful life, Jaymee. You will be greatly missed on this planet. (heart emoji).”

Matatandaang noong September, 2016 nang ma-diagnose si Jaymee ng Stage 2 breast cancer at mula noon ay regular niyang ibinabahagi sa kanyang supporters at social media followers ang kanyang journey bilang cancer patient.

Sinimulan din niya ang pagpo-post ng mga vlog about her life sa kanyang YouTube channel na may titulong “Jaymee Wins” na aniya’y, “Ako, naniniwala ako sa puso’t kaluluwa na dapat kini-claim na iyong victory, di ba?

“Kasi fighting, may struggle pa yan, e! Bakit nag-i-struggle ka pa, e, puwede naman manalo na, di ba? So dapat claim na, Jaymee wins! I know that I will win. In my heart, I have faith in the Lord,” mensahe pa niya.

Taong 2018 nang ideklara siyang cancer-free, ngunit hindi nagtagal ay nalaman ng mga doktor na bumalik ang kanyang sakit.

Bukod sa pag-aartista at pagmo-model, nakilala rin si Jaymee bilang host ng midnight game show ng ABS-CBN na “Games Uplate Live” na napanood mula 2006 hanggang 2009.

Napanood din siya sa ilang Kapamilya TV show tulad ng “Ligaw na Bulaklak,” “Bora” at sa isang episode ng “Shake, Rattle and Roll 9” ng Regal Entertainment.

Related Chika:

Read more...