TIYAK na marami ang makaka-relate sa bagong Korean film na ipinapalabas na sa mga lokal na sinehan.
Ito ang crime thriller movie na may titulong “Target” na batay sa mga aktwal na kaso ng pulisya at mga karanasan ng mga mamimili na naging biktima ng scam.
Ayon pa sa direktor ng pelikula na si Park Hee-kon, ang focus nila sa thriller film ay ‘yung mga nabibiktima ng fraud pagdating sa second-hand deals.
“To achieve its realistic impression on the audience, the director met with various police officers and detectives to learn about the process of arresting criminals and the difficulties they faced in the process,” kwento sa inilabas na pahayag ng Encore Films.
Baka Bet Mo: P-Pop star MONA binalikan ang pagiging fangirl sa bagong single na ‘Tagahanga’
Ang bida sa pelikula ay si Shin Hae-sun at ang mga kasama niya riyan ay sina Kim Sung-kyun at Kang Tae-oh.
Umiikot ang istorya ng “Target” sa karakter na ginagampanan ni Shin bilang si “Soo-hyun” na nagbigay ng hindi magandang review sa isang website matapos malaman na ang binili niyang washing machine ay may defective o sira.
Dahil sa kanyang ginawa, siya tuloy ang naging target ng mysterious killer kaya naman agad siyang humingi ng tulong sa mga detectives na ginagampanan nina Kim at Kang.
Ayon sa Korean actress, kahit siya ay nakaka-relate sa kwento ng kanyang karakter kaya naman intense talaga ang naging performance niya.
“When something like this happens, there must be people who want to solve the problem in the same way. I could really identify with the main character who struggles to deal with it,” lahad niya sa isang pahayag.
Aniya pa, “And the atmosphere created by the art and props set up in Soo-hyun’s house, helped me get into my role.”
Sey naman ni Kim, “It was very refreshing to read a piece that portrayed reality in an era where we have become numb to exchanging personal information.”
Sumang-ayon din si Kang sa dalawa at sinabing, “The movie felt so realistic because it was based on used goods deals that are easily available to everyone. While reading the scenario, I could relate to it and became worried.”
Related Chika:
Debbie Garcia nag-practice ng target shooting, sey ng netizens: ‘Kabahan ka na Barbie’