Korean romcom movie na ‘Love Reset’ nina Kang Ha-neul at Jung So-min bentang-benta, kumpletos-rekados sa ‘sahog’

Korean romcom movie na 'Love Reset' nina Kang Ha-neul at Jung So-min bentang-benta, kumpletos-rekados sa 'sahog'

Jung So-min at Kang Ha-neul

NAKAKALOKA! Tawa kami nang tawa pati na ang mga nanood sa premiere night ng South Korean romcom movie na “Love Reset”.

Mula simula hanggang ending ay pinatawa, pinakilig at pinaiyak kami nang bonggang-bongga ng “Love Reset” na pinagbibidahan ng K-drama stars na sina Kang Ha-neul (bumida sa Midnight Runners) at Jung So-min (star ng Playful Kiss).

In fairness, super na-enjoy namin ang pelikula dahil bukod sa bagay na bagay na ang dalawang Korean stars ay bentang-benta rin ang kuwento nito na kumpletos-rekados ang mga sahog.

Ang kuwento ng “Love Reset” ay iikot sa isang magdyowa na hindi mapaghiwalay noon. Pero ngayon, atat na atat na silang maghiwalay.


Pero bago sila tuluyang mag-divorce, buburahin ng isang aksidente ang alaala ng mag-asawa.

Sa pelikulang “Love Reset”, tiyak na mai-in love ka, hahalakhak, at posibleng uulit ka pa dahil sa bagong konseptong tinatalakay nito — ang “shared amnesia.”

Si Kang Ha-neul ay gumaganap bilang si Jung-yeol, isang abogadong bilib na bilib sa sarili. Itinuturing niyang perpekto ang lahat bago pumasok sa buhay niya ang misis niyang si Nara.

Aniya, ”I was perfect until God threw this woman into my life.”

Baka Bet Mo: BTS Jung Kook nilabas na ang debut single na ‘Seven’, music video #1 trending sa YouTube

Si Jung So-min ay gumaganap bilang si Nara, isang careerwoman na may pagka-perfectionist bilang asawa. Pero may topak din ito. Bilang sagot sa kanyang mister, tinawag niya itong parang lamok.

Aniya, “He’s like a mosquito. Who knows why they exist?”

Sa loob ng dalawang taon na puro away, nagpasya na ang dalawa na maghiwalay. Pero dahil nga sa aksidente, wala na silang maalala tungkol sa isa’t isa. At sa muling pagkikita, magkakagustuhan na naman ang dalawa.


Pero hahadlang ang kanilang mga pamilya at tutulungan silang makaalala para matuloy ang paghihiwalay.

Ika-3 ng Oktubre nang ipinalabas sa sinehan sa Korea ang “Love Reset”, at tatlong araw itong namayagpag sa takilya.

Ito ang reunion movie nina Kang Ha-neul at Jung So-min makalipas ang walong taon. Naging blockbuster din ang kanilang pelikulang “Twenty” noong 2015. Isang patunay na maganda at malakas ang kanilang chemistry.

Pagmamalaking sinabi ni Jung So-min, “We didn’t even have to share words for our teamwork to form.”

Samantala, pinuri naman ni Kang Ha-neul ang kanyang leading lady, “We discovered a new comedic talent in her.”

Tungkol sa kanilang mga eksenang awayan, sambit ni direk Nam Dae-joong, “Objectively speaking, their neck-to-neck bloodbath is a must-see, and it’s difficult to determine who comes out on top.”

Isang bagay rin ang ginagarantiya niya, “This comedy will brighten up the rest of your day, and will cause a chuckle even when you lay to sleep.”

Mapapanood ang “Love Reset” sa mga sinehan simula Oktubre 18, 2023.

Read more...