10 entry sa MMFF 2023 ipalalabas din sa Hollywood, magkakaroon ng sariling awards night at red carpet

10 entry sa MMFF 2023 ipalalabas din sa Hollywood, magkakaroon ng sariling awards night at red carpet

Ang 10 official entry sa 2023 MMFF

SA GINANAP na announcement para sa 10 pelikulang kasama sa 2023 Metro Manila Film Festival kahapon, nanawagan ang Metro Manila Development Authority na baka pwedeng babaan ang bayad sa mga sinehan.

Sa bagong opisina ng MMDA sa Pasig City ginanap ang naturang presscon sa pangunguna ni MMFF Overall Chairman Atty Romando S. Artes.

Aniya, sana raw ay mapagbigyan ang hiling niya sa mga kinatawan ng sinehan sa bansa na dumalo rin sa announcement ng iba pang official entries na baka puwedeng ibaba ang presyo ng cinema ticket na nagkakahalaga ngayon ng P320 hanggang P320 to 350 kada tao.

“Makikiusap po tayo na baka gawin mas affordable ang ticket sa sinehan para po mas maraming makapanood at kami naman po ay nakikinig sa sentimyento ng moviegoers at pakikiusapan po natin sila (theater owners),” ang sabi ni Atty. Artes.

Baka Bet Mo: Hirit ni Ogie Diaz sa iniintrigang relasyon nina Liza at Enrique: ‘Abangan na lang natin kung may announcement’

Ang traditional na walong pelikulang kasali sa MMFF kada taon ay magiging 10 na dahil ang number 4, 5 and 6 ay sobrang magkakadikit ang scores kaya minabuti ng selection committee headed by Mr. Jesse Ejercito na ipaalam ito sa pamunuan ng MMFF at inaprub naman.

Ayon kay Atty. Artes, “Ang 10 napili ay napakagagandang pelikula at nakita n’yo naman po siguro ‘yung mga trailers at artista (kasama sa bawa’t pelikula) sabi nga po ni Sir Jess kanina na talagang nahirapan sila sa pagpili nitong final 6 entries dahil sa gaganda ng pelikula na isinumite at ‘yan po ay record break dahil 30 films ang natanggap naming entries. Kami ay natutuwa dahil sinuportahan ang MMFF.”

“Kaya kami nahirapan kasi last year ang kumita horror kaya dalawa ang horror ngayon na in every genre maximum of two entries. Kulang naman ngayon ay fantasy,” saad ni Ginoong Jesse Ejercito.


Sa kasalukuyan ay hindi pa sigurado kung sa Disyembre 17 magaganap ang Parade of Stars sabi ni Atty. Artes, “Kasi we will discuss this with the LGU’s concerned kasi ang ating parada ay sa Camanava area na magsisimula nga po sa Navotas dadaan ng Calookan, Malabon at terminate po sa Valenzuela (8.7 kilometers), so, idi-discuss natin sa mga mayors ng bayang ito kung ano po ang mas maraming kababayan ang makakapanood ng parada.

“Pero ang awards night ay December 27 pa rin po as usual at nakita n’yo naman magaganda ang entries kaya pipili po tayo ng magagaling na jurors para po sa pagpili ng awards,” aniya.

Samantala, sa darating na Nobyembre 2 ay may signing of contract ang MMFF sa Hollywood para mapanood doon ang 10 entries simula Enero 30, 31 at Pebrero 1, 2024.

“Magkakaroon din po ng sariling awards night doon at red carpet sa Hollywood, so, ini-invite ko po kayong lahat (natawa). Ang launching po ay gaganapin sa Directors Guild (America) Cinema,” say ni Chairman Artes.

Ang Directors Guild of America ay nasa 920 Sunset Blvd, Los Angeles, CA 90046, United States.

Dagdag pa, “Sa November 2 po ay magkakaroon ng launching sa Directors Guild kung saan ipalalabas po ‘yung tatlong Best Pictures natin noong Summer (Film Festival 2023) at doon din ipalalabas itong sampung entries.”

Baka Bet Mo: Riders na sisilong sa ilalim ng mga footbridge, flyover papatawan ng P500 na multa –MMDA

Ang tatlong best pictures noong MMSFF ay ang “About Us But Not About Us” (IdeaFirst Company), “Love You Long Time” (Studio Three Sixty) at “Here Comes the Groom” (Quantum Films at Cineko Productions).

Speaking of Metro Manila Summer Film Festival ay hindi pa sigurado kung magkakaroon ng ikalawang taon sa 2024 dahil hindi naging maganda ang result in terms of earnings at mali ang petsa dahil nagsimula ito ng Sabado de Gloria at karamihan ng tao ay nasa bakasyon at ubos na ang pera nila.

“Tapusin po muna natin itong 49th MMFF then magpa-plano po kami at uupuan po namin ito sa next execom and definitely will be consider the 2nd Summer MMFF at ‘yung mga hindi napili ngayon (MMFF 2023) ay definitely puwede nila uling ire-submit,” saad ni Chair Artes.

Anyway, bukod sa anim na karagdagang pelikulang napili tulad ng “When I Met In Tokyo”, “Becky & Badette,” “Mallari: The Movie,” “Firefly”, “Broken Heart’s Trip” at “Gomburza” ay nauna nang nakapasok ang “(K)Ampon”, “Penduko”, “A Family of Two (Mother and Son’s Story)” at “Rewind”.

Read more...