Gustung-gusto raw ni Sarah Geronimo na makasama si Regine Velasquez sa isang concert.
With that ay nag-react ang Regine fans and took a swipe at the Pop Star.
“Echoooozzzz anu un pampalubag loob mtpos balahurain ng mga fans nya ang songbird gnun gnun lng,..ni wla nga syang gnawa sa mga fans nya pra tigilan nila ang panlalait sa songbird eh.”
“Lang kwenta! E ano naman? Para matakpan ang kabulastugan ng mga fans nyang mapanira? Wag nalang di xa kailangan ni regine.”
“Masama mang sabihin obvious namang si Regine ang sagabal kay SG parA matupad ang pangarap niyang mag reyna….but sorry to say HINDI PA IPINAPANGANAK ANG HAHALILI SA TRONO NI SONGBIRD!!! HINDI ANG KAHIT SINO LALONG HINDI SI SG!!!!”
Based on the reactions of Regine’s fans ay naniniwala talaga silang ang supporters ni Sarah ang nang-okray sa Songbird lately. Tinawag kasi nilang laos si Regine.
Actually, napapansin namin na ang daming fans ni Sarah ang tila walang pinag-aralan. Kung mam-bully sila ng writer na nagsusulat against kay Sarah ay ganoon na lang.
Kaya nga walang nakikisimpatya kay Sarah ngayon dahil na napaplastikan na ang mga tao sa kanya.
Sabi nga ng isang guy sa social media, hindi napagsasabihan ni Sarah ang fans niyang mga walanghiya. Hindi niya alam na sa kanya nagre-reflect ang pinaggagawa ng mga supporters niyang maledukado, idiot at patapon sa buhay.
Meron nga kaming nabasang item sa blog ni Sarah where a fan dissected our past article about the Pop Star noong one of the coaches pa siya ng The Voice of the Philippines. Talagang inisa-isa ng fan ang aming item at nag-react.
Pati mga comments ng iba’t ibang tao ay sinabi nitong ginawa lang daw namin.
Napatawa na lang kami. That’s how LOW idiot fans of Sarah can get.
Malayo na ang narating ni Sarah kaya lang may kulang pa sa kanya. Until now ay wala pa rin siyang lovelife. Until now ay nakikisakay pa rin siya sa chismis na may gusto si Matteo Guidicelli sa kanya.
We don’t know kung turo ‘yon ng kanyang publicist pero sad to say, kawawa naman si Sarah. Parang wala siyang karapatang lumigaya. Siguro dahil na rin iyan sa pakialamera niyang nanay na laging nakabantay kahit saan siya magpunta.