Diether Ocampo pangarap gumanap ng mga historical character, sey ni Korina Sanchez bagay siyang mag-Emilio Aguinaldo
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Diether Ocampo
HALOS lahat na ng role ay nagampanan na ni Diether Ocampo sa mga nagawa niyang teleserye at pelikula sa ilang dekada niya sa showbiz.
Pero knows n’yo ba na may mga dream role pa rin ang Kapamilya actor na gustung-gusto niyang gampanan sakaling mabigyan siya ng pagkakataon in the future.
Sa panayam ng veteran broadcast journalist at TV host na si Korina Sanchez, naibahagi nga ni Diether ang tungkol dito.
Isa sa mga questions na ibinato ni Korina kay Diet ay kung may dream role pa siya na nais gampanan dahil halos lahat na ng karakter sa isang pelikula o teleserye ay nabigyang-buhay na niya.
“Nag-comedy ka na, nag-action ka na, nag-horror ka na, naging leading man ka na. O, ano pang natira?” ang tanong ni Korina.
Tugon naman ni Diether, “Ang gusto kong gampanan, talambuhay ng mga naging… kumbaga masasabi kong mga importanteng mga tao sa ating history sa Pilipinas.”
Ayon kay Korina, parang bagay kay Diether ang gumanap bilang si Emilio Aguinaldo, “Kasi nasa buhok, e. Nasa datingan ng buhok.”
“E, Caviteño rin,“ ang pagsang-ayon naman ni Diether sa beteranang broadcaster.
Hindi na masyadong aktibo si Diether sa mundo ng showbiz kaya miss na miss na siya ng kanyang mga fans. Sa katunayan, tuwang-tuwa ang supporters niya nang makita siyang rumampa sa naganap na ABS-CBN Ball 2023.
Wish ng mga tagasuporta ng aktor, sana raw ay mabigyan sila uli ng acting projects sa ABS-CBN o sa GMA 7.
Sa ngayon, busy si Diet sa kanyang mga naipundar na business at nagsisilbi rin bilang kapitan sa Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA).
* * *
Pagbabago ng damdamin sa nakalipas na pag-ibig ang itinampok ng singer-songwriter na si Paulo Agudelo sa kanyang bagong awitin na “Alon” sa ilalim ng DNA Music.
“I caught feelings for that person especially when we went to the sea. That’s why the song is somehow visualizing the sea and is paralleled how feelings are temporary and fleeting like the waves,” ani Paolo.
Iniaalay niya ang kanta sa mga hindi matahimik dahil sa pagsisisi tulad niya.
“I want to share this song to anyone who has gone through similar problems and battles with their inner regrets and pain just like me,” ani Paulo.
Iprinodyus nina Alexis Ip Agudelo, Raymund Marasigan, Buddy Zabala, at Marey Garcia ang awitin na sumasalamin sa kanyang personal na karanasan.
Bilang music producer at musician, nais ni Paulo na makagawa ng mga awitin na aantig sa puso ng mga tao. Nitong Abril, isinulat at inilunsad niya ang kanyang unang single na “Need Me.”
Nakapagprodyus din siya ng ilang awitin na naging nominado sa Awit Awards. Bukod sa kanyang solo career, isa rin siyang drummer ng indie-rock band na JUICEBOX at sessionista sa iba’t ibang banda tulad ng Sandwich, ULTRACOMBO, PartyPace, Shanne Dandan, at marami pang iba.
Damhin ang mensahe ng bagong single ni Paulo na “Alon” na napapakinggan sa iba’t ibang music streaming platforms.