Sulat mula kay Erlina, ng Barangay Comagascas, Cabadbaran City
Problema:
1. Dati po akong domestic helper sa Gitnang Silangan at halos anim na taon ako roon. Nakaipon din kahit paano, pero ayaw ko nang bumalik doon dahil niyayaya ako ng pinsan ko na magtrabaho sa Singapore. Pinaga-apply niya ako sa anumang agency sa Cebu City at tutulungan daw niya akong makapunta doon. Pero kailangan daw na manggaling ako sa pinanggalingan ko, sa Gitnang Silangan.
2. At kapag naroon na ako ay madali na raw pumasok sa Singapore. Itatanong ko po sa inyo, Sir Greenfield, kung matutulungan nga ako ng pinsan ko? Matagal ko nang pangarap ang makapagtrabaho sa Singapore dahil malapit lang ito sa Mindanao kaya madaling bumiyahe.
Umaasa,
Erlina, ng Barangay Comagascas, Cabadbaran City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing sa taon ito na may sumatotal na five (5) din, tiyak ang magaganap, may isang produktibo at mabungang pangingibang- bansang itatala sa iyong karanasan.
Luscher Color Test:
Upang mas madaling palarin at mas mabilis na mapitas ang magandang kapalaran ay lagi kang magsuot ng kulay na asul, puti, gray at silver. Sa nasabing mga kulay, kung lagi mong isusuot at gagamitin, unti-unting aaliwalas at gagaganda ang iyong kapalaran.
Graphology:
Maganda at maayos ang pagkakasulat ng iyong lagda, kung saan, tuluy-tuloy at mabilis mo itong natapos sa pamamagitan ng katamtaman at kaayusang mga letra. Ibig sabihin, dahil may “good looking signature ka” tunay ngang ngayon palang nasasagap na ng unconscious mong isipan ang positibong mangyayari sa iyong kapalaran sa susunod na mga taon at araw.
Huling payo at paalala:
Erlina, ayon sa iyong kapalaran, sumunod ka lang nang sumunod sa ipinapagawa sa iyo ng pinsan mo. Sa ganyang paraan, tiyak ang magaganap, mula sa Middle East ay makalilipad ka patungong Singapore. At tulad ng iyong iniisip at pinapangarap, magiging immigrant ka roon at magtatagal.
Babalik sa ME (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...