Para sa may kaarawan ngayon: Habang lumalapit ang kapaskuhan, higit sa inaasahan ang makakamit! Biglang madodoble ang kita. Sa pag-ibig, sopresa ang magaganap, kakaibang init at sarap ang ipadadama ng kasuyo. Mapalad ang 1, 10, 22, 34, 46, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Bhama-Aum-Yoti.” Yellow at red ang buenas.
Arie
Taurus – (April 20-May 20) – Hindi dapat maging “ningas-kugon.” Ibig sabihin, upang umunlad at yumaman ay tapusin nang mabilis ang anumang nasimulan. Sa pag-ibig, huwag hawahan ang kasuyo ng katamaran, ipakita sa kanya na masipag ka kahit kunwari lang! Mapalad ang 4, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arjuna-Om.” Red at lilac ang buenas.
Gemin
Cancer – (June 22- July 22) – Sa malayong lugar ay malaking halaga ng salapi ang kikitain! Tama ang mungkahi ng kasuyo, posible nga kayong makapag-abroad na dalawa at kapag sinusuwerte sa ibang bansa ay maisasama pa ang buong pamilya. Mapalad ang 9, 14, 27, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yosoda-Om.” Green at magenta ang buenas.
Leo
Virgo – (August 23 – September 22) – Simulan ang paglilinis ng bahay at bakuran—ngayon pa lang ay paghandaan na ang kapaskuhan. Isupot at ibenta ang mga abubot na matagal nang nakaimbak. Sa aliwalas at malinis na kapaligiran ay lalong susuwertehin at liligaya ang buhay. Mapalad ang 2, 7, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Regama-Om.” Green at pink ang buenas.
Libra
Scorpio – (October 24 – November 21) – Kung marami kang biyaya na natatanggap, magpasalamat ka. Maya-maya lang ay may darating na namang suwerte! Sa pag-ibig, habang nag-aamoy Pasko ay patuloy sa pagsarap at pag-init ang relasyon sa kasuyong Cancer. Mapalad ang 2, 16, 25, 29, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Aum.” Green at red ang buenas.
Sagittariu
Capricorn – (December 22 – January 19) – Hindi ka na nadala? Bakit nakipagdiskusyon ka na naman sa mga pilosopo at makikitid ang utak? Wala kang mapapala sa mga taong iyan! Sa pag-ibig at pinansyal, sa panahon ngayon, mas dapat bigyang pansin ang mga gawaing may kaugnayan sa pagkakaperahan. Mapalad ang 1, 8, 22, 31, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Rama-Om.” Blue at white ang buenas.
Aqua
Pisces – (February 19 – March 20) – ‘Wag mag-aksaya ng oras. Kumilos nang kumilos hanggang sa lumago ng lumago ang kita. Sa pag-ibig, wag manghinayang sa kasuyong nawala, may darating na isang Virgo na panghabambuhay na magpapaligaya sa iyo. Mapalad ang 2, 16, 24, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Red at violet ang buenas.
HOROSCOPE October 25, 2013
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...