2 kalsada sa QC ipapangalan kay Sen. Miriam Defensor-Santiago

2 kalsada sa QC ipapangalan kay Sen. Miriam Defensor-Santiago

NQUIRER file photo/Lyn Rillon

NAKATAKDA nang palitan ang dalawang kalsada sa Quezon City – ang Agham Road at BIR Road.

Ang mga nabanggit na lugar ay kikilalanin nang “Sen. Miriam Defensor-Santiago Avenue.”

Ang pagpapalit-pangalan ng dalawang kalsada ay nakapaloob sa Republic Act (RA) No. 11963 na nag-lapse into law noong October 12.

Ibig sabihin, kahit walang pirma ni Pangulong Bongbong Marcos ay ipapatupad pa rin ito.

Baka Bet Mo: LTO nais maghigpit sa pagkuha ng driver’s license, mga sangkot sa ‘road rage’ papatawan na ng mabigat na parusa?

Nakasaad pa nga sa Official Gazette, “If the President does not act on a proposed law submitted by Congress, it will lapse into law after 30 days of receipt.”

Samantala, ang nakalahad naman sa nasabing batas, “The Agham Road and the BIR Road, stretching from North Avenue, traversing through Quezon Avenue, up to East Avenue, all located in Quezon City, are hereby renamed as Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue.”

Sinabi ng Malacañang, magkakabisa ang bagong batas sa loob ng 15 days matapos itong mailathala sa Official Gazette, o sa isang pahayagan na may pangkalahatang sirkulasyon.

Dagdag pa nito, ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay maglalabas ng mga tamang dokumento para ipatupad ang nasabing bagong batas sa loob ng 60 days mula sa bisa nito.

Para sa mga hindi masyadong aware, ang yumaong senador ay nanirahan sa Quezon City ng napakatagal na panahon.

Taong 2016 nang pumanaw si Senador Miriam sa edad na 71 dahil sa lung cancer.

Bukod sa nagsilbi siya ng tatlong termino bilang senador, si Miriam ay naging kalihim ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Naging commissioner din siya ng Bureau of Immigration (BI) at nagserbisyo bilang trial court judge.

Read more:

Miriam umamin sa tunay na dahilan kung bakit nagdesisyong tumira sa Bora kasama ang pamilya

Read more...