READY nang tumanggap ng mature roles ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia.
‘Yan ang ibinunyag niya sa naging panayam ng news program na “24 Oras” kamakailan lang.
Ayon sa kanya, ito na ang tamang panahon dahil tumatanda na rin daw siya.
“I think it’s also about time because I’m not getting any younger,” sey niya sa interview.
Paliwanag niya, “I’m turning 25 this December, so siyempre, you wanna move forward, you wanna improve more, you wanna grow. So there’s no way to go but really that path.”
Nilinaw naman ni Gabbi na kahit handa na siya sa mature roles ay nais pa rin niyang piliin ang mga iaalok na mga proyekto sa kanya.
“So of course, pipiliin ko pa rin ang projects ko. Kung ano ang worth it talaga. But yeah, I’m more challenged now to take on mature roles,” sambit ng aktres.
Nabanggit din ng aktres na natutuwa siya na marami ang nakaka-appreciate sa kanyang pagganap sa heavy drama series na “Unbreak My Heart” kasama sina Joshua Garcia at Jodi Sta. Maria.
“Everytime I go out…mostly mga parents ‘yung lumalapit sa akin. I-e-express nila na nakakainis ‘yung character ko, ano kaya ang mangyayari,” kwento niya.
Patuloy niya, “So to be able to experience that kind of interaction to people, nakakataba siya ng puso at nakaka-overwhelm.”
Natanong din si Gabbi pagdating sa kanyang future plans at kung may kasunod na proyekto ang kanyang serye.
Ayon sa aktres, magbabakasyon muna siya kasama ang kanyang partner na si Khalil Ramos bago sumabak sa bagong proyekto.
“We will be flying to New York and Canada. So exciting siya kasi it’s a well-deserved break,” chika niya.
Aniya pa, “Looking forward kami to watch broadway shows, to just really eat and mag-food trip lang around the place. So ‘yun ang nilu-look forward ko ngayon.”
Ibinunyag din ni Gabbi na kakaibang pelikula ang kanyang gagawin after ng kanyang bakasyon, pero hindi pa niya ito pwedeng idetalye.
“It’s a film. So hindi pa namin siya pwedeng i-disclose,” pag-amin niya.
Lahad pa niya, “Pero exciting siya. It’s very, very new to me. It’s a new genre. Totally new genre. So nae-excite din akong gawin ‘yun.”
Related Chika: