MAHIGIT isang buwan nalang, kokoronahan na ang bagong magreyreyna sa Miss Universe!
Dahil diyan, binuksan na ng Miss Universe Organization ang online voting para sa mga nais niyong manalo ngayong taon.
“Hi Universe. We’re so close to the 72nd Miss Universe competition, and I can’t believe the time is finally here. The good news is, you can help me crown my successor,” saad ng reigning queen na si R’Bonney Gabriel sa social media posts.
Paliwanag pa ng Filipino-American sustainable-fashion designer and advocate, “We just launched the vote for this year’s competition. And all you need to do is download the Miss Universe app to vote for your favorite delegate into the semifinals for the 72nd Miss Universe competition. The first vote is free.”
Baka Bet Mo: Michelle Dee certified ‘Mandirigma’ na ng AFP; tagumpay sa Miss Universe PH 2023 ipagdarasal ng mga Pinoy
Kaya naman mga ka-BANDERA at pageant fans out there, kung gusto niyong manalo ang ating pambato na si Michelle Dee, pindutin niyo lang sa nasabing app ang “VOTE FOR PHILIPPINES NOW.”
Fresh na fresh ang look ni Michelle sa nasabing app kung saan pak na pak siya sa kanyang white chest piece na tila may hangin effect pa.
Tinernohan pa niya ang kanyang suot ng isang set ng South Sea pearl jewelry.
Magugunita na bago pa tanghalin bilang Miss Universe Philippines 2023 si Michelle ay nauna siyang koronahan bilang Miss Universe Philippines-Tourism noong nakaraang taon kung saan ang nag-reyna that time ay si Celeste Cortesi.
Matatandaan din na si Michelle ang nagwagi ng Miss World Philippines noong 2019.
Nakatakdang lumaban ang ating pambato sa nabanggit na international pageant sa darating na November 18 (Nov. 19 in Manila) sa El Salvador.
Ang mga nagwagi na ng Miss Universe title mula sa ating bansa ay sina Gloria Diaz (1969), Margarita Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).
Related Chika:
Horror game na ‘Five Nights at Freddy’s’ mananakot na rin sa big screen sa Nov. 1