PAK na pak na rumampa ang aktres na si Shaina Magdayao sa naganap na 28th Busan International Film Festival sa South Korea.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon ng aktres kaya naman binonggahan na niya ang kanyang suot at look.
Nagtungo sa nasabing event si Shaina bilang representative ng pelikulang “Essential Truths of the Lake.”
Ang nasabing pelikula ay mula sa direksyon ni Lav Diaz na naging parte ng “Icons program” ng festival, kabilang ang 2023 Cannes Film Festival winners na “Anatomy of a Fall” at “The Pot-au-Feu,” pati na rin ang 2023 Venice Film Festival winners na “Poor Things,” “Evil Does Not Exist,” at “The Killer.”
Sa isang Instagram post, inirampa ni Shaina sa red carpet ang red beaded serpentine evening gown na gawa ng Pinoy designer na si Ehrran Montoya.
“The fully beaded ensemble, featuring a unique deep neckline and captivating texturized crystals, highlights her beauty with elegance and sophistication, embellished with dangling beads adding a touch of allure, perfectly complementing her character,” sey sa bahagi ng post ng designer.
Baka Bet Mo: Shaina 2 buwan lang sana sa ‘Ang Probinsyano’ pero hindi na tinanggal ni Coco
May IG post din mismo ang aktres kung saan ibinandera naman niya ang isang compilation video ng mga kaganapan sa nasabing event.
Kasama niya sa filmfest ang movie producer na si Bianca Balbuena.
Bukod diyan ay na-meet pa niya in-person ang ilang sikat na Korean stars, kabilang na ang aktor na si Song Kang-ho na bumida sa pelikulang “Parasite,” pati na rin ang “Squid Game” actor na si Lee Byung-hun.
“First time to attend @busanfilmfest with my Producer and short film jury Bianca B to represent our film, @essentialtruthsofthelake [Philippine flag emoji] Sine ni LAV DIAZ [folded hands emoji],” caption niya sa post.
Saad pa niya, “Mr. Song Kang-ho, Song Joong-ki and the beautiful Park Eun-bin were among the K-stars who attended the Opening Ceremony also [white heart emoji].”
Nakwento pa niya na ilan lamang sa mga Korean movies na napanood niya ay ang “Parasite,” “All Of Us Are Dead,” at “Train to Busan.”
Dahil daw sa naging experience niya sa film festival ay mukhang oras na rin daw na manood siya ng mga Korean series.
“I think it’s time for me to start watching K-dramas! [South Korean flag emoji],” wika niya.
Bago ang Busan International filmfest, nauna nang itinampok ang nasabing pelikula ni Shaina sa Locarno Film Festival (LFF) 2023 na naganap sa Switzerland.
Ang bida sa “Essential Truths of the Lake” ay ang award-winning actor na si John Lloyd Cruz na nagwagi ng “Boccalino d’Oro prize (Golden Jug Award)” para sa best actor award.
Related Chika: