Mga besh, knows n’yo na ba ang mga paglabag at multa sa batas trapiko ng LTO?

Mga besh, knows n’yo na ba ang mga paglabag at multa sa batas trapiko ng LTO?
INQUIRER file photo

ISA sa mga hakbang ng Land Transportation Office (LTO) upang mapanatili ang kaligtasan sa kalsada at disiplina sa mga motorista ay ang pagpapataw ng mga parusa sa mga driver na lumalabag sa batas trapiko.

Para maiwasang mahuli o mabigyan ng ticket, inalam na ng BANDERA ang iba’t-ibang klase ng paglabag at multa ng LTO.

Bukod sa iwas aksidente o paglabag sa batas trapiko, magsilbi sana itong inspirasyon pagdating sa responsableng pagmamaneho at pag-aari ng sasakyan.

Baka Bet Mo: Poblacion Girl kakasuhan na dahil sa paglabag sa COVID-19 quarantine protocols; mga magulang, BF ‘abswelto’

Narito ang ilan sa mga common violation:

Driving without a valid license

May multa na P3,000 ang mga nagmamaneho na walang driver’s license o conductor’s permit.

Gayundin ang mga nagmamaneho na may expired, revoked o suspendidong lisensya, pekeng driver’s license, may hindi angkop na code at klasipikasyon sa lisensya, may valid foreign driving license ngunit lampas na sa 90 days na maximum na allowable period para sa mga turista, at ‘yung mga may student permit na walang kasamang may driver’s license.

Bukod sa nabanggit na multa, ang mga hindi lisensyadong o hindi wastong lisensyadong driver ay hindi bibigyan ng driver’s license at hindi papayagang magmaneho ng isang taon pagkatapos ng pagbabayad ng multa.

Not carrying driver’s license while driving

Ang mga driver na mahuhuling nagmamaneho na walang driver’s license, certificate of registration (CR), o official receipt (OR) ay kailangang magbayad ng multang P1,000.

Iba ito sa naunang nabanggit. Itong paglabag ay para lamang sa mga mayroon nang driver’s license ngunit hindi nila ito dala habang sila ay nagmamaneho.

Not wearing helmet

Ang mga motorcycle driver na hindi nakapagsuot ng helmet ay may multang aabot sa P10,000.

Take note lang din na applicable din ito kapag ang kanilang back riders ay wala ring helmet na suot.

First offense: P1,500; second offense: P3,000; third offense: P5,000; at ang fourth at succeeding offense ay P10,000.

Sakop din nito ang mga sumusunod: Pagsusuot ng helmet na may pekeng Philippine standard, at pekeng import commodity clearance (IIC) sticker.

Not wearing seatbelt

Ang LTO ay magmumulta ng P1,000 para sa mga driver sa unang paglabag kung pababayaan nilang umupo sa harap na upuan ang mga bata na wala pang anim na taong gulang.

Ang ikalawang paglabag ay may multang P2,000, at P5,000 para sa ikatlong paglabag.

Bukod diyan, ang driver’s license ay sususpindehin din ng isang linggo mula sa kanilang pagbabayad ng multa.

Samantala, mayroon ding multang P3,000 kung hindi ipinatutupad ng mga driver na isuot ng kanilang mga pasahero ang itinakdang seatbelt. 

Gayundin kung hindi naglalagay ng mga sign sa harap ng upuan ang mga driver ng PUV na nagbibigay ng tagubilin sa kanilang mga pasahero na magsuot ng seatbelt.

Ang driver ng PUV at ang operator ay magbabayad ng multang P3,000 para sa bawat paglabag.

Unregistered motor vehicle

Ang mga driver na mahuhuling nagmamaneho ng hindi rehistradong sasakyan ay magbabayad ng P10,000 na multa.

Kasama sa multa ang hindi wastong rehistradong sasakyan o sasakyang na expired, revoked, suspendido, o invalid registration, pati na rin ang mga may unregistered o fake substitute o replacement engine, engine block, o chassis.

At kung ang paglabag o hindi pag-rehistro ay lumampas ng isang buwan, ang mga tauhan ng LTO ay may karapatang kuhain ang sasakyan hanggang sa ma-rehistro ito ng driver at bayaran ang multa.

Samantala, para sa mga undocumented engines, ang ahensya ay nakatakdang i-confiscate, i-impound at ipagbawal ang sasakyan sa loob ng isang taon mula sa pagbabayad ng multa.

Driving under influence of alcohol, drugs

Pwedeng ma-confiscate at ma-suspinde ng LTO ang non-professional driver’s license ng hanggang isang taon kung ang driver ay mahuhuling nagmamaneho ng lasing, may impluwensiya ng droga, o may paglabag sa Seksyon 12 ng Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.

‘Yan ay para lamang sa first conviction.

Ngunit kung umulit sa pagkakasala ang driver, forever nang makakansela ang nasabing lisensya.

At para sa mga drayber na may hawak na professional driver’s license, kukunin at ire-revoke ng LTO ang lisensya sa unang pagkakasala.

Reckless driving

P2,000 ang ipapataw na minimum na multa sa mga driver na nagmamaneho ng sasakyan na may improper, expired, revoked, suspended registration, at may unregistered o fake substitute o pekeng replacement engine, engine block, o chassis.

First offense: P2,000, second offense: P3,000; at P10,000 para sa mga sumunod na paglabag.

Suspendihin din nila ang lisensya ng driver ng tatlong buwan para sa pangalawang paglabag, anim na buwan para sa pangatlong paglabag, at ikansela ang lisensya para sa mga sumunod na paglabag.

Para sa mga driver na tinanggalan ng non-professional driver’s license ay mabibigyan ng bagong lisensya sa loob ng dalawang taon.

Para sa kumpletong listahan, pwede ninyong bisitahin ang official website ng LTO.

Read more:

Kapuso child star na si Paopao may payo sa mga batang gusto ring magnegosyo

LTO: Driver’s license na mae-expire simula April 24 palalawigin, multa sa ‘late penalty’ ‘di muna sisingilin

Read more...