MALIBAN pa sa drama, nais ding gumawa ng action projects ang Kapamilya actor na si Richard Yap.
Ito mismo ang inamin ni Richard matapos ma-interview ng INQUIRER Entertainment kamakailan lang.
Ang hindi alam ng marami, nag-aral ng iba’t-ibang klase ng martial arts ang aktor noong panahon ng kanyang kabataan.
Pagbubunyag niya, marunong siyang mag-karate, taekwondo, aikido, at Chinese kung fu.
“I’ve always wanted to do action,” sey ni Richard sa panayam.
Patuloy niya, “It’s just that I already feel tired just by watching my other actor friends do it. Doing all those fight scenes under the intense heat of the sun can drain you.”
“Maybe I’d do it if our set is air-conditioned,” pabirong sabi ng aktor na nagsimula ng kanyang acting career sa edad na 44.
Baka Bet Mo: Kris mahaba pa ang laban para gumaling ang wasak na puso, pero tuloy ang pagtulong kahit lumala ang sakit
Para kay Richard, ang isang magaling na action star ay ‘yung mga may alam talaga sa martial arts.
Paliwanag niya, mas nakikita raw kasi sa fight scenes ang tamang porma ng pagsipa at pagsuntok.
“It’s easier for us to do fight scenes. You will see right away if a person knows how to kick, or if he has the proper form,” sambit niya.
Kahit siya ay 56 years old na, naniniwala pa rin si Richard na matutupad pa rin ang kanyang pangarap na maging action star.
Lantaran pa niyang nabanggit na nag-uusap na sila ni Direk Lester Pimentel Ong sa posibleng gagawing proyekto together.
Para sa mga hindi pa masyadong aware, si Direk Lester ay ang lead director ng ABS-CBN action series na “The Iron Heart” na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez at Jake Cuenca.
“I look forward to doing a project with Direk Lester. We’ve talked about it,” pagbubunyag ng aktor.
Dagdag pa niya, “I think it will happen because we’ve been talking to the same people and have been going around the same circles.”
Naikuwento rin ni Richard na bukod sa matalik silang magkaibigan ni Direk Lester ay business partners din sila.
Sa katunayan nga ay magkasama sila sa naging opening event ng kanilang ika-9th branch ng Wangfu restaurant noong nakaraan lamang.
Kung maaalala, taong 2011 nang magsimula sa showbiz industry si Richard kung saan ay naging tampok siya sa “My Binondo Girl” na pinagbibidahan ng aktres na si Kim Chiu.
Makalipas ang isang taon ay bumida na siya sa family-oriented romantic TV drama series na “Be Careful With My Heart” at naka-loveteam pa ang aktres na si Jodi Sta. Maria.
Ngayong taon ay muli silang nagtambal ni Jodi sa teleseryeng “Unbreak My Heart.”
Related Chika:
Bianca Gonzalez: Hindi gawa-gawa ang kwento ng martial law victims