Ilang parte ng Metro Manila, Rizal mawawalan ng tubig simula Oct. 5 to 10 –Manila Water

Balita featured image

ABISO sa mga customer ng Manila Water!

Anunsyo ng east zone concessionaire na mawawalan ng tubig ang ilang parte ng Metro Manila at Rizal.

Magsisimula ‘yan ngayong araw, October 5, hanggang October 10.

Ayon sa advisory na ibinandera ng Manila Water, ito ay para sa isinasagawa nilang maintenance activities sa San Juan City, Quezon City, Marikina City at Binangonan sa Rizal.

Baka Bet Mo: Rendon Labador kinuha noon para maging parte ng ‘Batang Quiapo’, may pa-open letter kay Coco Martin

Narito ang listahan ng mga lugar, aktibidad na gagawin, petsa at oras kung kailan mawawalan ng tubig:

San Juan City

Interconnection activity sa F. Roman corner N. Domingo, Brgy. Balong Bato
October 5, 10 p.m. hanggang October 6, 4 a.m.

 

Quezon City

Line maintenance sa Tindalo St. corner Anonas Ave.
October 5, 10 p.m. hanggang October 6, 4 a.m.

 

Line maintenance sa Samat cor. AFP St.
October 5, 10 p.m. hanggang October 6, 4 a.m.

 

Interconnection activity sa Eugenio Lopez cor. Tomas Morato (harapan ng ABS CBN)
October 6, 10 p.m. hanggang October 7, 4 a.m.

 

Marikina City

Line meter at strainer declogging sa A. Bonifacio cor. Marcos hwy.
October 5, 9 p.m. hanggang October 6, 6 a.m.

 

Binangonan, Rizal

Interconnection activity sa Darangan, Macamot, Mambog, Palangoy, Pantok, at Tatala
October 9, 10 p.m. hanggang October 10, 4 a.m.

 

Line meter replacement sa main roads ng Mabuhay Homes 2000, Darangan
October 5, 10 p.m. hanggang October 6, 4 a.m.

 

Pinapayuhan ng Manila Water ang mga apektadong residente na mag-imbak ng sapat na tubig base sa kanilang mga pangangailangan.

Read more:

Bakit pumayag si Sharon na maging parte ng ‘Ang Probinsyano’?

Read more...