Kuya Kim binarag ng bashers matapos patutsadahan si Jay Contreras ng Kamikazee: ‘Umepal ka na naman…pabibo yarn!?’

Kuya Kim binarag ng bashers matapos patutsadahan si Jay Contreras ng Kamikazee: 'Umepal ka na naman...pabibo yarn!?'

Kim Atienza at Kamikaze

HINDI nagustuhan ng ilang netizens ang komento ni Kim Atienza sa hugot ng Kamikazee frontman na si Jay Contreras sa kanyang Instagram post.

May cryptic post kasi ang OPM artist sa kanyang IG account na pinaniniwalaang sagot niya sa balitang pagpapalayas sa kanila sa Casiguran, Sorsogon ng mismong gobernador ng probinsya.

Ayon sa report, nagalit umano si Gov. Edwin Hamor sa nasabing banda matapos tumanggi ang mga miyembro nito na magpa-picture sa tourist attraction ng probinsya na “16,000 blue roses”.

Pumayag daw kasi ang Kamikazee nu’ng una silang sabihan tungkol dito pero hindi raw sumipot noong oras na ng pictorial.

“Sana naiintindihan niyo. Hindi ko gusto to. Kaso sinabi ko nga, may attitude. Hindi na yan makakabalik sa Sorsogon, maniwala kayo sa akin.


“Maraming banda, maraming banda na gustong magpasaya sa atin. Pero kung ganu’n naman yung ugali, pasensiyahan tayo. Okay?

“Inuulit ko, bayad yun. Kasi bago mag-perform sila dapat bayad. Pero pinauwi ko na, hindi ko na patitirahin yun sa Residencia. Pinauwi ko na sa airport, du’n sila mag-umaga. Okay?

“Inuulit ko, hindi tayo puwedeng bastusin, ang mga taga-Sorsogon. Pinipilit ko na itaas ang dignidad ng bawat Sorsoganon, pero huwag ganu’n. Huwag ganu’n na tayo’y bastusin. Okay?” pahayag ng governor.

Kasunod nito, nag-post naman si Jay Contreras sa Instagram ng kanyang black and white photos na may caption na, “Choose Love/I Choose Love.”

Baka Bet Mo: Liza Soberano nasaktan sa komento ni Boy Abunda: I felt like misunderstood by you

Wala namang binanggit ang vocalist ng Kamikazee kung tungkol saan ang kanyang post ngunit naniniwala ang mga netizens na may kinalaman nga ito sa pagpapalayas sa kanila sa Sorsogon.

Maraming nakisimpatya kay Jay, pero meron ding nambasag sa kanya. Ngunit ang talagang pinuntirya ng kanyang mga followers and supporters ay ang komento ni Kuya Kim.

“Hahahaha dapat lang,” ang hirit ng Kapuso TV host na may pa-hashtag pang “#whenyouknowyouknow.”


Narito naman ang naging reaksyon ng netizens sa post ni Kuya Kim na karamihan ay nagalit dahil sa pakikialam niya sa isyu.

“@kuyakim_atienza umeepal kana naman.”

“@kuyakim_atienza pa bibo naman yarn?”

“@kuyakim_atienza amaccanaaaa kuya kim! huhu.”

“Bat po kapag may issue lagi po kayong nakacomment? Ask ko lang po?”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang sagot si Kuya Kim sa pambabasag sa kanya ng supporters ni Jay Contreras.

Jay Contreras ng Kamikazee sa kabila ng isyung pagpapauwi sa kanila ng gobernador ng Sorsogon: ‘I choose love’

Bandang Kamikazee pinalayas sa Sorsogon, sey ng governor: ‘Hindi tayo puwedeng bastusin’

Read more...