Henry Cavill, Dua Lipa, John Cena, iba pang Hollywood stars may pasabog na bagong action film sa 2024

Henry Cavill, Dua Lipa, John Cena, iba pang Hollywood stars may pasabog na bagong action film sa 2024

PHOTO: Courtesy Universal Pictures Philippines

MAGSASAMA-SAMA sa isang bagong pelikula ang ilan sa mga sikat at bigating artista sa Hollywood!

Ito ang action spy thriller film na pinamagatang “Argylle” na nakatakdang ipalabas sa mga lokal na sinehan sa darating January 31 ng taong 2024.

Kahit next year pa mapapanood ang nasabing pelikula, may pasilip nang inilabas ang Universal Pictures.

Mapapanood sa trailer na iikot ang istorya nito sa isang book author na ginagampanan ng “Jurassic World” actress na si Bryce Dallas Howard na biglang nadawit sa isang sikretong organisasyon ng mga spy.

May isinulat kasi siyang best-selling espionage novel kung saan ang mga inimbento nitong kwento ay nangyayari pala sa tunay na buhay.

Dahil sa kanyang libro ay tila naisiwalat ang sikreto at operasyon ng nasabing real-life spy organization at dito na nag-umpisa ang mga action-packed na pangyayari sa buhay ng author.

Baka Bet Mo: Henry Cavill nagpaalam na bilang ‘Superman’: It’s been a fun ride with you all…

Bukod kay Bryce, star-studded ang pelikula na tampok sina Henry Cavill, Dua Lipa, Bryan Cranston, Sam Rockwell, John Cena, Sofia Boutella, Ariana DeBose, Catherine O’Hara at Samuel L. Jackson. 

Ang “Argylle” ay mula sa direksyon at prinoduce ni Matthew Vaughn, ang gumawa rin ng hit movies na “Kingsman” at “Kick-Ass.”

Ang iba pang producer ng pelikula ay sina Adam Bohling, Jason Fuchs, at David Reid.

Habang ang mga executive producers ay sina Adam Fishbach, Zygi Kamasa, Carlos Peres at Claudia Vaughn.

Related Chika:

Henry Cavill binansagang ‘Most Handsome Face’ sa mundo ngayong 2022

Read more...